28: Stress

123 3 0
                                    

Ilang buwan na ang nakakalipas nang magsimulang manligaw si andrei kay mika.

Manliligaw duties hatid sundo sa kanya, minsan nga si andrei na rin ang sumusundo sa anak at dadalhin sa kanya sa opisina nya, sabay sila kumain sa breakfast minsan sa lunch, minsan sa meryenda at minsan sa dinner.

At ngayon ay papunta si andrei sa office ni mika, nag-aalala sya dahil hindi ito sumasagot sa text at tawag nya kanina pang umaga after nya itong ihatid sa opisina nito.

Pagdating nya sa office ni mika si trina lang ang nakita nya na may inaayos sa table nito.

"Hi!" bati ni andrei pagpasok nya sa opisina ni mika

"Mr. Gonzales kayo po pala" gulat na saad ni trina dahil hindi nya inaasahan na makikita ito

"Ang pormal naman, Sir. A na lang" sabay ngiti ni andrei sa kanya

Syempre kung Ms. M si mika, sya naman ay Sir A.

"Okay po Sir. A, ano po pala ang ginagawa nyo dito?" tanong na ni trina sa kanya

"Nasan ang boss mo?" paghahanap nya kay mika na yun naman ang pinunta nya dito

"Ayieeee! Nandun po sa event hall si Ms. M nag-aayos po para sa event mamayang gabi" kinikilig na sagot ni trina

Kinikilig kasi sya sa boss nya at sa kaharap, kahit na alam nyang wala itong relasyon ramdam nya ang pagmamahalan sa dalawa.

"Sige puntahan ko muna sya" natatawang paalam ni andrei dito

"Mabuti pa ng Sir. A kanina pa po kasi sya stress at parang may gumugulo sa isip nya, ngayon lang po nangyare yun..... Mukhang kailangan nya po kayo hahahaha..... Tsaka pakibigay na lang din po itong phone nya" inabot na ni trina ang phone ng boss at kinuha naman ito ni andrei

"Kaya pala hindi nagrereply dahil naiwan ang phone nya dito..... Sige punta na ako dun" paalam muli ni andrei sa secretary ni mika

Habang papunta sya sa event hall tinignan nya ang phone ni mika at nakita nya na puro message at missed calls na galing lang sa kanya at napailing na lang sya.

Pagdating nya sa event hall nakita nya si mika na nakatayo pero nakatalikod sa kanya kaya hindi sya napapansin nito at busy din kakautos sa mga staff nito.

Hindi nya muna ito pinuntahan at pinagmasdan nya lang kung paano magtrabaho si mika sa ganito.

"Steve okay na ba yung sound system para mamaya?" masungit na tanong ni mika sa staff nya

"Yes Ms. M" sagot naman ni steve sa kanya

"Pagkatapos mag-ayos dito mag sound check ka" utos na ulit ni mika

"Copy po ma'am" sagot ni steve tapos umalis na sa harapan nya

"Norlex kumpleto na ba yung bilang ng lamesa at upuan? Hindi dapat magkulang ang mga yan" seryosong tanong ni mika

"Yes Ms. M kumpleto na po yan lahat" sagot naman ni norlex sa kanya

"Good! Mark ang mga ilaw na gagamitin ayos naba? Gumagana ba lahat?" hindi makapakaling tanong ni mika

"Opo Ms. M ayos na po ang lahat" sagot naman ni mark sa kanya

"Rose pakitawag nga muna si kimberly ngayon na" masungit na utos naman ni mika sa isa pang staff

"Yes Ms. M" sagot ni rose at umalis agad

Ramdam na ni andrei na may bumabagabag kay mika, dahil sa mga kilos nito at pananalita.

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon