Andrei POV
I'm Andrei Martin Gonzales pangalawa sa magkakapatid, 28 years old at may anak na pero wala pang asawa.
Iniwan ko ang pamilya ko dito sa pilipinas para alagaan ang ex kong na nabuntis ko sa totoo lang hindi ko naman mahal ang ex ko sumama lang ako sa kanya dahil sa bata.
Mahirap sakin na iwanan ang pamilya ko pero syempre ayoko naman lumaki ang anak ko na wala ako sa tabi nya, gusto kasi ng ex ko na sa ibang bansa tumira kaya sumama ako.
Pero ang pinakamahirap sa lahat ay yung iwan ko ang babaeng pinakamamahal ko, sinaktan ko sya at masakit para sakin yun pero wala na akong choice kundi ang gawin yun para hindi kami mahirapan dalawa.
Pero ngayon nagkita na kami parang okay na naman sya, parang hindi nga kami magkakilala dahil halatang iniiwasan nya akong kausapin ramdam ko yun at masakit yun para sakin.
Ramdam ko din na galit sya sakin dahil sa ginawa ko sa kanya pitong taon na ang nakakaraan at pinagsisisihan ko yun hanggang ngayon.
Ang hirap mamuhay sa malayo kung ang puso at isip ko ay naiwan sa kanya, walang araw na hindi ko sya inisip sa totoo lang sya ang inspirasyon ko sa araw araw tuwing nahihirapan ako, sya lang ang iniisip ko.
Pero ano nga ba ang magagawa ko kung sya nakamove-on at ako ay patuloy na minamahal pa rin sya. Haaaaaaaaays!
Papunta ako sa bahay ngayon para dumalaw yung totoong bahay namin, badtrip kasi yung ex ko kung ano ano ang pinagsasasabi kanina nung tumawag sakin.
Hindi kasi ako sa bahay tumutuloy sa condo ako nakatira ngayon. Nahihiya din kasi ako sa kanila dahil nga lumayo ako at hindi man lang nagparamdam sa kanila.
Before lunch nakarating na ako sa bahay, nakita ko sila sa garden lahat well sabado kasi ngayon kaya kumpleto lahat sila dito sa bahay.
"Hi guys!" nakangiting bati ko sa kanila
Medyo nawala ng konti ang inis ko dahil nakita ko ang pamilya ko.
Napalingon naman sila sakin tsaka ako lumapit sa kanila.
"Hello kuya!" sabay halik sakin ni cristal
Hindi na ako nanibago dahil sya talaga ang unang bumabati sakin.
"Hi!/ Hello!" bati naman ng iba sakin
"Oh buti dumalaw ka dito" hinalikan ko si mommy sa pisngi
Tumango lang naman sakin si daddy, ayaw nyang magpamano hindi pa daw sya matanda hahahaha.
"Wala naman po kasi ako gagawin ngayon" umupo ako sa tabi ni cristal na katabi ang fiance nya
"Sakto ang dating mo maya maya kakain na tayo" masaya si mommy dahil ngayon lang ako sasabay sa kanilang kumain
"Nasan nga po pala si kuya?" ngayon ko lang napansin na wala pala si kuya drew
Ang katabi ko kasi si cristal tapos katabi nya si vincent sa gilid nyang sofa nakaupo ang pinsan nyang si jeremy habang nakaakbay kay ate cristel tapos sa katapat na upuan namin ay sina mommy at daddy kasama si ate sammy.
"Nasa kwar--- oh wait ayan na pala" sagot ni ate sammy na nakaturo pa sa loob ng bahay
Napansin ko agad yung batang kasama ni kuya andrew habang papalapit sila samin
Dug! Dug!... Dug Dug!... Dug! Dug!...
Bakit ganito ang tibok ng puso ko anong meron sa batang kasama ni kuya andrew.
"Oh bro nandito ka pala" sabi ni kuya andrew paglapit sakin
"Kararating ko lang" nagfistbump kaming dalawa
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
