Birthday ngayon ng lolo nila mika, tulad ng napag-usapan nila noon magpipinsan isusorpresa nila ito at kasama ang mga kaibigan nila.
Umalis sila ng madaling araw sa manila at nakarating sila ng umaga sa probinsya ng Nueva Ecija.
Welcome to Hacienda Montecia!
yan ang nakita nila sa arko papasok sa lugar ng lolo at lola ng magpipinsan.Pagdating nila sa lugar namangha ang mga kaibigan nila sa ganda ng lugar kung saan nakatira ang lolo at lola nila.
Pagdating sa bahay sa kusina nila naabutan na nag-aalmusal ang lolo at lola nila na nag-uusap, nagtago muna sila sa pader sa pagitan ng sala at kusina.
"Ano ang wish mo ngayong kaarawan mo Pedro?" nakangiting tanong ni lola adelina sa asawa nya
"Kahit wala nang handa basta dumalaw lang ang mga apo natin masaya na ako" malungkot na sagot ni lolo pedro sa asawa
Napangiti naman ang magpipinsan sa narinig nila, nagtinginan muna sila bago magtanguhan.
"Your wish is our command" lumabas si mika sa pinagtataguan nila
Napalingon naman sa kanya ang dalawang matanda.
"Surprise! Happy Birthday Lolo!" naglabasan na rin ang iba pang mga apo nila "We miss you lolo and lola!" sabay sabay na sabi nilang magpipinsan at una nila niyakap ang lola nila bago ang lolo nila
"Namiss ko kayo mga apo ko, sobrang miss ko kayo" naiiyak na sabi ni lolo pedro habang yakap yakap ang mga apo
Ilang taon din ni lolo pedro hindi nakita at nakasama ang mga apo simula nung may mga nangyare sa mga itong hindi nila inaasahan, hindi na nga sila nakakapagreunion pa ng magpuntahan sa ibang bansa ang ibang mga apo.
Naghiwa-hiwalay na sila sa pagkakayakap at hindi talaga mapigilan ni lolo pedro ang maiyak ng makita ang mga apo sa harapan nya lalo na nang lumuhod ang isa sa mga apo nya sa harapan nya.
"Wag ka na pong umiyak lolo" nakangiting pagpapatahan ni mika sa lolo nila at pinahid nya ang mga luha nito
"Mika nakabalik ka na" masayang saad ni lolo pedro at hinawakan ang pisngi nya
"Yes lolo, bumalik po ako para sa inyo" sabay ngiti muli ni mika sa lolo nila
"Eto na ang best gift ever sa mga natanggap ko tuwing birthday ko, ang makasama ko kayong mga apo ko" masayang salaysay ni lolo pedro sa mga apo nya at ngumiti naman ang mga apo nya sa kanya
"Pano naman kami Pa?" pagsulpot ni michelle sa likuran ng mga bata
"Hindi mo na ba kami love?" paglalambing naman ni rainelyn habang nakakawit ang kamay sa braso ng kapatid
"Ay ang mga anak ko nagselos, lika na kayo dito miss na kayo ni papa" naiiyak na naman si lolo pedro dahil hindi nya inaasahan na nandito din ang mga anak
Niyakap nila ang papa nila at nag-iyakan sa sobrang pagka-miss sa isa't isa.
"Ano ba yan nakakaiyak naman kayo" nakangiting saway ni lola adelina sa kanila habang nagpupunas ng luha
"Itong mga anak mo kasi" nagpunas na rin ng luha si lolo pedro
"We miss you Ma!" niyakap din ng magkapatid ang mama nila
"Namiss ko din kayo mga anak" masayang saad ni lola adelina at hinalikan ang mga anak
"Osya tama na yan at kumain na tayo" pag-awat na ni lolo pedro sa kanilang lahat
![](https://img.wattpad.com/cover/152314266-288-k212436.jpg)
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...