Napag-isipan nila mika na magkaroon ng sariling celebration silang magkakaibigan. Kaya nagpunta sila sa bar nila reiley, nathan at vincent ang RNV Bar.
5 years na rin ang RNV Bar sariling ipon nila vincent ang ginamit nila para maipatayo ang bar na ito.
"Congratulation to the new CEO" bati ni jeremy kay andrew
Tinaas nila ang mga baso nilang lahat pwera lang kay mika na nakatingin lang sa kanila.
"CHEERS!" sabay sabay nilang sabi at pinagdikitdikit ang mga baso
"Congrats Drew!" bati ni michael sabay fistbump kay andrew
"Congrats Kuya Drew" bati naman ni alexis sa kanya
"Umaasenso ka na tol" biro naman ni vincent sa kanya
Nagtawanan sila.
"So magre-resign na ba si Tito Tony?" tanong ni allison sa pinsan nya
"Board of director na sya, si lolo ang nagresign kaya si daddy ang pumalit sa kanya" paliwanag ni andrew sa lahat sabay inom ng beer
"Diba si Tita Tin, isa sa board member ng company nyo?" tanong naman ni lorie sa kanya
"Oo tama ka" sagot ni andrew
"Full force pala kayo sa company, buong pamilya nandun" biro pa ni reiley sa pinsan
Nagtawanan ulit sila tapos napansin nila na tahimik lang si mika at nakasimangot.
"Oh Mika bakit ganyan itsura mo? Sinong umaway sayo?" natatawang tanong ni andrew sa kanya
"Ituro mo samin kung sino" pang-aasar naman ni vincent sa kanya
"Alam nyo po nakakainis talaga kayo" pagmamaktol ni mika sa mga kaibigang lalake
Hindi pa rin sya nakakamove-on sa nangyare nung party dahil ilang araw sya hindi pinatulog nito sa kakaisip sa kung ano man ang pwedeng mangyare.
"Oh bakit?" patay malisya naman si jeremy na akala mo hindi alam ang sinasabi ng pinsan
"Anong ginawa namin sayo" pagmamaang maangan naman ni andrew
"Kunwari pa po kayo na hindi nyo alam, ang talaga ng mga trip nyo" inis na saad ni mika sa mga ito
"Oh chill lang Mika last week pa yun" pagpapakalma ni nathan sa kanya
"Alam nyo naman po na ayaw ko pa syang makita tapos pinagtripan nyo pa ako" reklamo naman ni mika
Kahit pa last week pa yun hindi nya pa rin malimutan dahil sa sobrang takot at kaba ng nung araw na yun.
"Insan walang iyakan" pang-aasar pa sa kanya ni vincent
"Ewan ko sayo" mataray na saad ni mika sabay sandal at pagkrus ng mga braso
"Ininis nyo na naman si Mika" sermon ni lorie sa boys
"Kayo talagang mga lalaki kayo" dugtong naman ni allison
"Mika sorry na hindi ko naman alam na uto uto pala si Andrei" natatawang saad ni andrew
Binibiro nya lang naman kasi ang kapatid hindi naman nya alam na susundin pala nito ang inutos nyang bigyan ng pagkain si mika.
"Tsaka hindi namin alam na ganyan ang magiging reaksyon mo" depensa pa ni jeremy
"Alam mo kaya Kuya Jeremy lalo ka na Kuya Drew, nakita nyo na nga kung paano ako kinabahan at natakot nung pinagtripan nyo ako sa office tungkol sa kanya tapos inulit nyo pa nung sabado" pagmamaktol ni mika sa dalawa lalakeng kaibigan nya
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
