12: Dinner Day

130 2 0
                                    

Mikaela POV
Anin na araw na ang nakalipas ng makauwi kami galing sa bakasyon. Gaya nga ng sinabi ko sa kanila na magdidinner kaming lahat upang ipaalam sa parents ng bestfriend ko ang tungkol sa anak ko.

At ngayon na yun kaya eto kami nagbibihis mag-ina, kanina pa nga tanong ng tanong sakin si kael kung saan kami pupunta.

"Mimi what is the occasion?" pagtataka ni kael habang nagmemedyas mag-isa

"Nothing baby! They only want to eat, all of us together" iniba na nya yung tanong nya

"With who?" tanong nya sakin

"With Tito Lolo family" sabay ngiti ko sa kanya

"Ow really mimi? I'm excited to see them especially Tito Lolo" masayang saad ni kael

Masyado na nga syang napapalapit sa pamilya ng daddy nya, sana ganun din sya sa daddy nya once na maipakilala ko sila sa isa't isa but not right now.

"Yes baby! So let's faster to fix ourselves"  tinulungan ko na sya magsapatos dahil siguradong mahihirapan sya magsuot

Pagtapos namin mag-ayos dalawa bumaba na kami at kami na lang pala ang hinihintay nila daddy.

Dumeretso na kami sa restaurant ni ate ally short for allison. Dun kasi namin napagplanuhan kumain at pumayag naman silang lahat.

Tulad nung una namin pagkikita lahat dumeretso ulit kami sa private room, pagpasok namin busy sila sa pag-uusap usap.

"Hello everyone!" masiglang bati ni kael sa kanila, napalingon naman sila samin

"Hello baby Kael!" bati naman nila sa anak ko

Tuwang tuwa talaga sila sa anak ko para bang palaging bago ng bago sa kanila na makita si kael.

"Nandyan na pala kayo" sabay ngiti ni tito tony samin

"Halina kayo at maupo" aya naman ni tita tin saman

Mabuti nga at nayaya namin sila at hindi sila ganun ka-busy ngayon.

Nagmano kami sa kanila, hinalikan naman nila si kael, at umupo na kami katapat nila cristal.

May nga pagkain na din nakahanda halatang kami na lang ang hinihintay nila para maumpisahan ng kumain.

"Kamusta na pare?" simula ni tito tony magkatapat naman sila ni daddy

"Okay lang naman" nagkamayan silang dalawa ni daddy

Nilagyan ko na ng pagkain yung plato ni kael habang naglalagay sya ng earphone sa tenga, ayaw nya talagang makinig sa mga pinag-uusapan ng matanda.

"Tagal natin hindi nagkita bigla kasi kayo nawala, mabuti at nagkita na ulit tayo ngayon" sabik na sabik talaga si tito tony na magkita sila ni daddy nung unang pagkikita pa namin sa mall

"May inasikaso lang kami pero dito na kami for good" pasimple pang tumingin sakin si daddy pero nginitian ko lang sya

"Mabuti kung ganun para nakakapagbonding tayo, hindi yung puro sila lang ang nagba-bonding" natatawang saad ni tito tony, mukhang nainggit ata samin nung nagbakasyon kami

"Oo tama ka, hindi yung puro work lang tayo" pagsang-ayon ni daddy pero namimiss nya lang mag-inom

"Tara bar tayo minsan, walwal tayo" aya naman ni tito tony kay daddy

Drinking body kasi silang dalawa ni daddy yung ang kwento nya sakin, masaya, malungkot, o kahit na ano pa silang dalawa ang magkasama sa pag-inom.

"Dad ano ka millenials, kung makapag-aya magwalwal" biro pa ni kuya andrew sa kanya

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon