46: Saving Him Again

167 4 0
                                    

Isang buwan na nang makalabas si kael sa hospital, bumalik na din sila sa kanya kanyang trabaho, naging maayos na din ang lahat pwera lang sa dalawang tao.

Nasa restaurant sila ngayon ni allison para magdinner at magbonding, sila na lang ang nandun magkakaibigan dahil pasarado na ang restaurant.

"Uy anong balak nyo 1 month na lang christmas na" halatang excited na si alexis na magpasko

"Oo nga guys anong ganap kumpleto pa naman tayo ngayon" nakangiting pagsang-ayon ni lorie sa kanya

"Sa design wala naman tayo problema dahil nandyan naman si Mika" pagmamalaki ni michael sa kapatid, ngumiti lang naman si mika sa lahat

"Sa pagkain at inumin wala din problema dahil nandyan naman sina Ate Ally, Cristal at Lorie" nakangiting sagot naman ni vincent at nagthumbs-up pa ang tatlong babae

"At kung sa alak naman kami na nina Reiley at Vincent ang taya" pagpiprisinta ni nathan na nag-apir pa silang tatlo

"Venue na lang pala ang kulang" natatawang sabi ni reiley sabay kain

"Kung sa hotel na lang? Sa may hall palace?" suggestion ni jeremy sa mga kaibigan

"Masyadong malaki para satin" pagkontra naman ni cristel sa asawa

Pang 100-150 na katao kasi ang kasya sa Hall Palace sa hotel.

"Dun sa VIP palace sa hotel medyo maliit lang yun" suggestion naman ni alexis

20-30 naman ang kasya sa VIP palace sa hotel.

"Dun pwede tayo at malapit sa mga rooms na pwede natin gamitin" pagsang-ayon naman ni reiley sa asawa nya

"Okay ba kayo dun?" tanong naman ni andrew sa lahat

"Game! Go!" masayang sagot ng lahat

"Papareserve na natin yun para wala na tayong maging problema pa" paliwanag ni jeremy na nagta-type sa phone nya, inilagay na nya sa notes ang plano nila

"Okay na tayo sa design, foods, drinks at venue pano naman yung mga pa-raffles at prizes?" tanong naman ni nathan

Kada may christmas party kasi silang magkakaibigan may sarili silang program na ginaganap.

"Syempre sagot na ng CEO natin yan" natatawang sagot ni vincent na tinignan pa si andrew

"Oh bakit ako dapat sila daddy na lang sponsor natin dun" reklamo naman agad ni andrew

"Bro lahat tayo may ambag dapat, wag na natin pag-ambagin pa sila tito at tita" natatawang paliwanag ni reiley sa kanya

"Ang kuripot mo talaga kuya, minsan lang naman" pang-aasar pa ni cristal sa kapatid

"Oo na sige na, naisahan nyo ako dun ah" pagsuko ni andrew sa mga kaibigan, madami kasi ang laban nya

Nagtawanan naman sila.

"Napag-usapan na natin ang christmas isama na natin ang new year" natatawang saad ni vincent sabay inom

"Kanya kanya ba tayo or sama sama pa rin? Last year kasi nagkanya kanya tayo" tanong naman ni lorie sa lahat

"Alam nyo dapat sa beach house na natin yan icelebrate para mas magandang manood ng fireworks at syempre sama sama tayo" ngayon lang si mika nagsalita simula nung mag-usap usap sila

May naiisip kasi syang disensyo na maganda kung sa beach iaayos.

"Alam mo tama ka Mika, maganda ang naisip mo at first time natin gagawin yun" masayang pagsang-ayon ni samantha sa kanya

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon