Nag-aayos na ng gamit si mika para umuwi, pinatay na nya ang laptop nya at nilagay sa bag, inaayos nya din yung pagkakalagay ng mga folder sa table nya nang dumating si andrei.
"Oh Drei anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni mika habang pinagpapatong patong ang mga folder
"M-may gaga...win ka pa ba?" kinakabahang tanong ni andrei habang nakasilip sa pintuan
"Pagkatapos ko mag-ayos ng mga gamit ko ay uuwi na ako... Bakit?" pagtapos ni mika ayusin ang table nya ay humarap na sya kay andrei
"L-let's have dinner" nahalata nya na kinakabahan si andrei
"Anong meron at nagyaya ka magdinner?" pagtataka naman ni mika
Usually kasi tuwing lunch at meryenda sya inaaya ni andrei.
Kaya nagulat sya na nag-aaya ngayon ito ngayon magdinner at first time ito para sa kanya.
"Wala lang... Ano payag ka ba?" nakangusong tanong ni andrei, napangiti naman sya
"Oo naman malakas ka sakin eh" wala dinaan kasi sya sa pagpapacute ni andrei
"May dala ka bang sasakyan?" nakangiti na ngayon si andrei na tumayo na ng maayos sa pintuan
"Wala hiniram ni kuya kanina, nasa talyer kasi yung kotse nya" sagot ni mika
"Good ano tara na?" excited na aya na ni andrei sa kanya
"Okay let's go" sinukbit na ni mika yung bag nya
Nilock na ni mika ang opisina nya at binilinan nya ang mga staff na natira at yung guard bago sila lumabas. Sumakay na sila sa kotse ni andrei na nakaparada sa harapan lang ng building nila.
Mga 30mins bago sila nakarating sa isang restaurant kung saan napareserve si andrei.
Pagpasok nila sa loob binati sila ng mga crew na nakakita sa kanila at lumapit sa kanila ang isang receptionist.
"Mr. Gonzales this way please" nakangiting sabi ng receptionist sa kanila
Inassist sila nito papunta sa may garden kung saan may naka-ayos na mga led lights, table for two sa gitna, may nakapalibot na kandila at petals sa damuhan nito.
Pagkakita ni mika dito ay nagulat sya at manghang mangha sa ayos nito, ilang segundo pa sya natulala sa nakita nya.
"Surprise!" masayang sigaw ni andrei
"D-dito tayo k-kakain?" hindi makapaniwala si mika dahil ang akala nya ay simpleng dinner lang ang gagawin nila
Hindi ganitong romantic dinner with romantic design.
"Oo kaya tara na dun" nakangiting naglahad ng kamay si andrei sa harap nya na agad naman nyang hinawakan
Inakay na sya ni andrei palapit sa lamesa pinaghila pa sya nito ng upuan bago sila umupo parehas.
"D-date ba ito?" nahihiyang tanong ni mika
Tumango lang si andrei at ngumiti sa kanya.
"Bakit para saan?" takang tanong nya naman
Naguguluhan kasi sya bakit may pa-romantic dinner bigla si andrei para sa kanilang dalawa.
"Mamaya malalaman mo, kain na muna tayo" binigyan sya ng makahulugang ngiti ni andrei
Habang kumakain walang nagsasalita sa kanila hanggang sa matapos sila kumain tahimik pa rin silang dalawa.
Parehas may iniisip at kinakabahan sa kung anoman ang mangyayare ngayon sa kanilang dalawa ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
Hayran KurguIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...