Mikaela POV
Magtatatlong linggo nang hindi pumupunta si andrei dito sa office at nakakapanibago lang dahil nung nakaraang linggo ay lagi syang nasa office ko.
Habang nagra-rounds at nagche-check ako sa mga ginagawa ng mga staff ko ay may biglang tumawag sakin.
Kuya Drew is calling.....
*Call Accepted*
[ Hello mika! ]
"Kuya Drew napatawag ka?" takang tanong ko sa kanya
[ May ginagawa ka ba? ]
"Wala naman po masyado. Bakit po?" napakunot ang noo ko may kakaiba kasi sa boses nya
[ Pwede ka bang pumunta dito sa office? Kailangan ko kasi ng tulong mo ngayon ]
"Sige po. Pupunta na po ako" pagpayag ko
[ Salamat mika, tsaka pwede pakibilisan ng konti please ]
"Wow demanding ka pa Kuya Drew, oo na po. Bye!" biro ko pa
*END CALL*
Nagpaalam na ako sa kanila at nagbilin kay trina tapos nagmadali na akong pumunta sa office nila kuya drew.
Pagdating ko sa Gon. Co. nakita ko sila kuya drew tapos nagulat ako na kasama nila buong barkada na nasa frontdesk nag-uusap usap.
Ano kaya ang problema at nandito kami lahat?
"Kuya Drew!" pagtawag ko sa kanya
Tumingin naman sila sakin lahat tapos lumapit na ako sa kanila.
"Buti naman at dumating ka na" huminga ng malalim si kuya drew
"Bakit ganyan itsura nyo may problema pa ba?" malungkot kasi silang lahat at parang problemado
"Nag-aalala na kasi kami kay Andrei" paliwanag ni ate cristel
"Bakit po?" napakunot naman ako ng noo
Anong nangyare kay andrei?
"Sabi kasi ng mga empleyado nya pagdumadating daw sya dito deretsong office nya na tapos lalabas lang pag uuwi na, okaya pag may meeting sa client" kwento naman ni kuya drew sakin
"At sabi samin parang hindi daw kumakain ng lunch kahit meryenda wala dahil nasa loob lang ng lungga nya" dagdag pa ni ate cristel
"Pero pag sa bahay naman okay sya, natural lang yung ginagawa nya" naguguluhan na si kuya drew sa kinikilos ng kapatid nya
"Bakit hindi nyo po dalhan ng pagkain?" suggestion ko sa kanila baka kasi tinatamad lang ang isang yun
"Ginawa na namin yan kanina, pinadalhan namin ng pagkain sa isa sa mga employee nya ayun lumabas na umiiyak" kwento naman ni vincent
"Niyayaya naman namin sya pero ayaw nya naman, minsan nga nagpapadeliver pa kami para sa kanya pero ayun napapanis lang sa loob ng office nya" dugtong naman ni reiley
"Tapos pinilit namin sya kanina kumain pero busog na daw sya" dagdag pa ni nathan
Ano kaya ang nangyayare kay andrei bakit naging ganun sya, nung huling pagkikita naman namin masaya sya tapos bigla na lang sya magkakaganito.
"Eh bakit po ako ang pinapunta nyo kung kayo nga po walang nagawa ako pa po kaya" takang tanong ko sa kanila
Bakit hindi sila tito tony at tita tin ang tinawag nila, mga baliw talaga toh.
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
