14: He's Back

163 4 0
                                    

Mikaela POV
Saturday alas-onse ng umaga, ngayon na gaganapin ang party na in-organize ko para sa company party na pinabook ni kuya drew.

Nandito na kami ngayon sa hotel nila kuya jeremy para magdecorate sa party. Kasama ko ang ilan sa mga staff ko na member ko pagdating sa pag-aayos ng party.

Mga limang oras din kami nag-ayos dahil malaki ang event hall ng hotel nila kuya jeremy. Family business talaga ng pamilya namin ang hotel kaso lang ayaw ni mommy na humawak kahit isa sa mga hotel kaya ang daddy at ang isa ko pang tito ang namamahala nito.

Naabutan pa nga ako nina ate ally at lorie dito sa hall na nag-aayos ng table clothing para sa catering table.

"Wow! Ang ganda Mika" papuri sakin ni ate ally habang nilibot nya ang tingin sa buong hall

"Salamat po Ate Ally" tapos tinapos ko na yung paglalagay ng pin sa tela at tumayo na ako

"Ikaw ba ang nag-ayos ng lahat nang yan?" tutok na tutok talaga sya sa hall na naka-ayos na

"Opo ate, syempre katulong ko din po ang mga staff ko" proud na sagot ko, kailangan ko din ipagmalaki ang mga staff ko

Hindi ko naman kasi magagawa ang lahat ng ito kung wala ang tulong nila.

"Ang galing mo talagang mag-ayos kaya lodi kita" masayang saad ni lorie habang tinitignan din yung mga naka decorate

"Hahahah baliw hindi naman simpleng ayos nga lang yan dahil wala naman binigay si Kuya Drew na theme" pahirapan din ako nag-isip ng design dahil wala naman sinabi si kuya drew na thene

Tsaka kailangan talaga maging humble sa kahit na anong puri sayo hahahahaha.

"Simple pa yan ha pano pa kaya kung may tema na edi sobrang ganda na" namamangha talaga si lorie sa gawa namin

"Siguro hahahaha" biro ko sa kanila

Depende kung maganda ang theme na naisip ni kuya drew hahahaha.

"Oo nga pala uuwi ka na ba?" tanong bigla ni ate ally

"Hindi pa po dahil hihintayin ko pa po matapos ang event bago kami umuwi dahil kami din po mag-aalis ng mga yan" kahit na kaya ng mga staff ko na ayusin ang lahat ng ito pagtapos ng party, hindi ko pa rin sila iniiwan

Ganun naman ang ginagawa ko palagi kaya nga gabi na ako kung umuwi.

Sinusubaybayan ko talaga kung maayos ang takbo ng party at walang magiging problema.

"Mabuti naman kung ganun" nakangiting saad ni ate ally

May something yung ngiti ni ate ally.

"Bakit po? Tsaka kailangan ko po isupervise yung sound system at kailangan ko din po masiguro na okay ang kalalabasan ng party" ayokong mapahiya sa mga client ko kaya talagang tutok ako sa mga party na inaasikaso ko

"Madami ka pa lang gagawin mamaya" sabay ngiti ni lorie sakin

Kakaiba din ang ngiti ni lorie.

"Parang ganun na nga" nginitian ko na lang din sila

Ang weird nila ngayon lalo na yung mga ngiti nila.

Parang may panunukso at pag-aalala na ewan ko pero lamang ang panunukso.

"So paano kita na lang tayo mamaya?" paalam na ni ate ally sakin na ngiting ngiti

"Opo ate see you around" paalam ko na lang din sa kanila

Napailing na lang ako pagkaalis nila, nakaramdam ako ng konting kaba pero hindi ko na lang pinansin.

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon