Kinaumagahan nagising si mika dahil parang may nakatitig sa kanya kaya pag dilat nya nagulat pa sya.
Isang gwapong nilalang na nakangiti ang nakita nya, ibang iba sa nakita nya kahapon.
"Good morning Mika!" ngiting ngiti bati ni andrei sa kanya
"G-good m-morning din" utal utal na bati naman nya, nahihiya sya ang lapit kasi ng mukha ni andrei sa kanya
Nakaramdam sya na may mabigat sa tiyan nya ng tignan nya ito, braso pala ni andrei na nakayakap sa kanya, nakaramdam na naman sya ng hiya kaya napatakip sya ng mukha na ikinatawa ni andrei at niyakap pa sya nito ng mahigpit papalapit dito.
"Don't be shy love, this is only me" natatawang saad ni andrei
Napabangon bigla si mika ng maalala nya na may atraso pa pala ito sa kanya.
"Hep hep sino nagsabi na okay na tayo? Kung makatawa at makayakap ka wagas" pagtataray nya dito
Napabangon din si andrei pero nakanguso ito sa kanya.
"Mag-usap na tayo Mika. Hindi na ako lasing maayos na ang takbo ng utak ko maayos na ako" nakangusong panimula ni andrei sa kanya
Hinawakan nito ang dalawang kamay nya at tumingin sa mga mata nya.
"Mika sorry dahil nasaktan na naman kita, nasaktan ko na naman yung babaeng pinakamamahal at pinapangarap ko, nasaktan ko na naman yung ina ng anak ko. Sorry dahil pati si Kael ay nasaktan ko na naman, ang kaisa-isang anak ko. Sorry talaga!" malungkot na paliwanag ni andrei sa kanya
Tahimik lang si mika na nakikinig at nakatingin din sya sa mga mata nito.
"Sorry dahil sa pangalawang pagkakataon hindi na naman ako nakinig sayo, sorry dahil napagsalitaan kita ng masasakit na salita, sa totoo lang nahihirapan ako nung mga araw na wala ka, wala kayo sa tabi ko. Hindi ako galit sayo, galit ako sa sarili ko dahil nakita ko kung gaano ka kasaya kasama yung lalaking yun, iba yung saya mong yun na hindi ko nakita nung panahon na ako ang kasama mo. Nagselos lang talaga ako kasi hindi kita kayang pasayahin ng ganun at akala ko sya ang totoong daddy ni Kael, inunahan lang kita para hindi na ako masaktan pa ng sobra kung sakaling dumating yung araw na mas piliin mo yung lalaking yun" napaiyak na si andrei dahil malaking mali yung ginawa nya naunahan kasi sya ng selos at takot
"Shhh! Wag kang magalit sa sarili mo, wala ka naman dapat ipagselos dahil ikaw ang mahal ko, iba talaga yung saya ko sayo dahil may kasamang pagmamahal yun. Sorry din dahil hindi ko agad sinabi sayo na tunay mong anak si Kael, sorry dahil pinagkait ko sayo ang pagiging isang ama sa kanya" napaiyak na din sya dahil alam naman din nya na may kasalanan din sya sa nangyare
"Wag ka nang umiyak Mika wala kang kasalanan, kasalanan ko ang lahat okay, tahan na" niyakap na sya ni andrei
Alam ni andrei na kasalanan nya ang lahat dahil in the first place hindi na naman sya nakinig kay mika.
"Mahal na mahal kita Mika, kahit anong mangyare tandaan mo mahal na mahal kita at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang dulo" malambing na sabi ni andrei habang nakahawak sa magkabilang pisngi nya
"Mahal na mahal din kita Andrei" nakangiting sagot naman ni mika
"Okay na ba tayo? Napatawad mo na ba ako?" nakangusong tanong ni andrei sa kanya
"Yes kagabi pa kita pinatawad Andrei" masayang sagot nya kay andrei
Hinalikan ni andrei ang noo ni mika.
"Good morning mimi and daddy!" masiglang bati ni kael sa kanila napatingin naman sila sa anak nila
"Good morning too baby!" sabay na bati nilang dalawa sa anak habang nakangiti
![](https://img.wattpad.com/cover/152314266-288-k212436.jpg)
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
Fiksi PenggemarIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...