Mikaela POV
Napapadalas na ang pagpunta ni andrei dito sa office ko at napapadalas na rin na sabay kaming dalawa kumakain.Nasasanay na nga ako na lagi na sya nandito sa office ko para bang nasa daily routine ko na makita sya at makasabay kumain.
Naalala ko pa nga yung unang beses na nagsabay kaming kumain na kami lang dalawa, tatlong araw pagkatapos kami pagtripan ng mga kaibigan namin.
> > > > >FLASHBACK< < < < <
Paalis na sana ako sa office para mag lunch sa labas ng biglang dumating si andrei.
"Andrei may kailangan ka ba?" wala na naman ba syang ginagawa sa office nya kaya sya nandito
"Wala naman" kamot ulo nyang sagot
"Oh anong ginagawa mo dito?" natawa na lang ako dahil halatang nahihiya pa sya
"May gagawin ka pa ba?" tumingin pa sya sa table ko, tinignan nya siguro kung nakabukas laptop ko
"Wala naman bibili lang ako ng lunch" kinuha ko na yung bag ko at tumayo na ako
"Sakto tara lunch tayo treat ko" kanina lang nahihiya pa sya sakin ngayon naman ang hyper na nya
Baliw sya, manang mana kay kuya drew talaga.
"Naku wag na nakakahiya" nahihiya pa rin naman ako sa kanya kahit na madalas na kami magkita
"Sige na please.... Ano tara?" patay na nagplease na sya tapos nagpapaawa pa yung itsura nya
Alam na alam nya talaga kung paano ako mapapapayag, kabisado nya pa rin ako.
"Hmm..... Sige na nga tara na" parehas sila ni kael pag namilit na hindi na ako makatanggi lalo na pag nag please na sila
Tuwang tuwa naman sya na pumayag ako at nakangiting binuksan ang pintuan at pinauna akong lumabas.
Sa isang malapit na restaurant lang kami kumain ng lunch pero pansin ko ang mga ngiti sa kanya habang kumakain kami.
> >END OF FLASHBACK< <
Yung sumunod na punta nya naman sa office namin ay hapon na, sabay lang naman kaming nagmeryenda.
Nagulat pa nga ako na pati ang buong staff ko pinameryenda nya rin.
Minsan hindi ko din maintindihan ang mga trip ni andrei pero na a-appreciate ko naman ang mga yun.
> > > > >FLASHBACK< < < < <
Bandang alas tres ng hapon habang inaayos ko ang schedule ng mga events sa laptop ko dumating si andrei.
"Oh Andrei ano ginagawa mo dito?" bigla bigla na lang kasi syang sumusulpot
"Galing kasi akong meeting malapit dito kaya dumeretso na ako dito" feeling at home sya dito sa office ko ah dumeretso upo na kasi sya sa sofa malapit sa table ko
"Bakit dito ka dumeretso hindi sa office mo?" tatambay na naman siguro ito dito sa office, pinagpatuloy ko na ang pagta-type ko
Napapansin ko nga na nahihiligan nya nang tumambay dito sa opisina ko.
"Wala na naman kasi akong gagawin sa office tsaka konting oras na lang mag-uuwian na, kaya tatambay muna ako dito hahahaha" natawa sya sa sariling sagot nya
"Ah okay" sagot ko sa kanya habang tutok na tutok ako sa laptop ko
"May ginagawa ka ba?" tanong nya sakin
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanficIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...