23: Badtrip

128 2 0
                                        

Andrei's POV
Katatapos ko lang basahin yung tatlong proposal at inaayos ko na ang mga gamit ko nang pumasok si kuya andrew dito sa office.

Hindi ko pala na ilock yung pintuan ng office ko nakapasok kasi agad si kuya dito sa loob.

"Bro napadaan ka?" takang tanong ko sa kanya

"Mabuti naman naabutan din kita" seryosong saad ni kuya drew at umupo sa upuan sa tapat ko

"Bakit?" napatigil naman ako sa ginagawa ko at napakunot ang noo ko

"Kada pumupunta kasi ako dito wala ka na sabi ng mga employees mo, hindi ka daw madalas maglunch dito" tama naman yung mga sinabi ng mga staff ko sa kanya

Anong problema dun? May masama ba kung hindi ako maglunch dito sa office.

"Bakit kailangan ba na dito ako maglunch? Hindi ko kasi alam" may ganun na bang rules dito sa  company parang ngayon ko lang nalaman yun

"Hindi naman sa ganun pero syempre kailangan mo din naman kahit minsan na makisama sa mga empleyado mo pagbreak time" seryosong paliwanag ni kuya sakin

Mas gusto ko pang makasama sya kesa makasama ang mga empleyado tuwing lunch.

"Kailangan ba yun?" seryosong tanong ko naman sa kanya

"Oo naman kahit once a week okay na yun, para hindi ka lang mag mukhang suplado sa kanila" sermon nya sakin

"Okay nga yun para matakot sila at magtrabaho ng maayos" dapat naman talaga ganun para sumunod ang mga empleyado

"Hindi mo ba alam na bulong bulungan ng mga empleyado mo na seryoso, masungit at suplado ka" so ibig sabihin nagchichismisan lang sila dito at hindi nagtatrabaho

Ako pa talaga ang pinagchi-chismisan nila. Tsk! Tsk! Tsk!

Lagot sila sakin pag narinig ko na pinag-uusapan nila ang tungkol sakin.

"Wala naman sigurong masama dun kuya, tsaka alam mong ganun ako" dati na naman akong ganito anong magagawa ko

"Alam ko pero kailangan mo makisama sa mga nakapaligid sayo, mamaya sumabay ka maglunch samin sa pantry" seryosong utos nya sakin at seryoso din syang nakatingin sakin

What? No way!

"Ayoko kuya dito na lang ako sa office kakain" hindi ako sasabay sa kanila kahit na ano pa ang sabihin nya

"Lumabas na naman ang pagiging anti-social mo, kasama mo naman kami at yung boys" pangungumbinsi nya pa sakin

Still No!

It's either na kakain ako mag-isa o kakain ako na kasama sya yan lang ang choices ko.

"Kailangan ba talaga yan?" yamot na tanong ko sa kanya

"Tsaka Andrei makakasama mo sila ng ilang taon kaya kailangan mo din makisama sa kanila para ganahan silang magtrabaho" sermon na naman nya sakin, na parang ang laki laki ng kasalanan ko

"Kuya pinuntahan mo lang ba ako nang dahil dyan?" inis na tanong ko sa kanya

Sinesermunan nya ako dahil lang sa hindi ko pagsabay kumain sa mga emplayado. Badtrip!

"Konektado sila" sagot ni kuya drew

"So ano talaga ang pinunta mo dito?" naiinis ako dahil pinapakialaman nya ang desisyon ko

"Yung mga empleyado mo kasi sakin pa rin nagre-report dahil natatakot sayo" nakakadalawa na sila sakin, isa na lang lagot talaga sila sakin

"Wala naman akong ginagawang masama bakit sila matatakot"  nakakunot noong tanong ko naman sa kanya

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon