Nagising sila andrew sa pagtapik ng daddy nya sa kanila, napatingin sya sa relo nya nakita nya na alas-singko na ng hapon.
"Drew bakit dyan kayo natulog?" tanong ni antony sa anak
"Ah si Kael po kasi ayaw sa kwarto matulog kaya sinamahan na lang po namin sya dito" paliwanag ni andrew na tinignan pa si kael na natutulog pa sa sofa
"Oh bakit naman?" pagtataka naman ni antony
"Hindi ko po alam dad" nagkibit balikat pa si andrew
Napatingin sila sa pintuan ng bumukas ito at may pumasok.
"OMG! Nandito pala si Kael" gulat na saad ni cristal
Lalapit na sa si cristal sa natutulog na bata nang pigilan sya ni andrew.
"Teka lang naman.... Tignan mo natutulog yung bata ang ingay ingay mo" pagsita ni andrew sa bunsong kapatid
"Cristal wag mo munang gisingin ang bata, mukhang napagod kakalaro kanina" saway naman ni antony sa bunsong anak
"Sorry po dad" paumanhin ni cristal at umupo na lang sya malapit kay kael
"Good evening po tito!" bati naman ni vincent sabay mano kay antony
"Good evening din iho.... Tignan mo Cristal nakalimutan mo na may kasama ka" sermon ni antony sa anak
"Sorry po dad na-miss ko lang po talaga si Kael" paumanhin muli ni cristal sa ama
Napalingon ulit sila dahil may pumasok na naman sa bahay nila.
"Baby Kael!" napalakas ang boses ni cristel sa pagtawag sa bata
Lalapit din sana si cristel ng pigilan sya ng daddy.
"Oh wag mong istorbohin ang pagtulog ng bata" pagsaway ni antony sa panganay na anak
"Manang mana talaga sayo si Cristal" napailing na lang si andrew sa inasta ng mga kapatid na babae
"Good evening po dad!" bati naman ni jeremy sabay mano kay antony
"Good evening din iho!" bati pabalik ni antony sa manugang
"Nagtext sakin si Mika medyo gagabihin daw sya sa pagsundo kay Kael dahil hindi pa tapos ang event nila" paliwanag ni samantha sa lahat pagkatapos makatanggap ng mensahe sa kaibigan
"Eh kung sabihin na lang kaya natin kay bes na bukas nya na lang sunduin si Kael para makabonding pa namin sya" suggestion ni cristal sa pamilya nya
"Oo nga naman sigurado naman akong papayag yun" pagsang-ayon naman ni cristel sa kapatid
"Sya papayag eh yang anak nya kaya papayag na dito matulog ngayong gabi" pagkontra ni andrew sa dalawang kapatid
"Kayo talaga kung ano ano iniisip nyo, pumayag na nga sya na ipahiram satin ang bata ngayon, wag nyo nang abususin" pagsaway ni cristine na kabababa lang galing sa kwarto nila mag-asawa at napalingon ang lahat sa kanya
"Mom gising na po pala kayo" gulat na saad ni andrew
"Goodevening po tita!/ Goodevening po mom!" sabay mano nina vincent at jeremy kay cristine
"Magandang gabi din.... Mukhang pagod na pagod ang bata" mahinang saad ni cristine habang nakatingin kay kael
"Naglaro po kasi kami ng Wii kanina kaya napagod" kwento ni andrew sa ginawa nila kanina habang nakatingin din kay kael
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
Fiksi PenggemarIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
