43: Hospital

118 4 0
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas ng ikasal sila michael at allison, nakauwe na din ang dalawa galing sa honeymoon nya.

Wala din naman nagbago sa kanilang magkakaibigan puro busy pa rin sa trabaho at lalong walang pinagbago kina mika at andrei hindi pa rin sila napapansinan.

Kakauwe lang ni mika sa bahay nila galing sa trabaho nya, naabutan nya na nag-aayos ng lamesa ang magulang nya.

"Good evening mommy and daddy!" bati ni mika sa magulang sabay halik sa mga ito

"Good evening anak!" sabay na bati ng magulang nya sa kanya

"Sakto ang dating mo at maghahapunan na tayo" sabi ni michelle habang naghahain sa lamesa

"Si Kael po pala?" tanong ni mika sa magulang nito

"Nandun sa taas kasama ni Miko naglaro pero pababa narin yun" paliwanag ni michelle sa kanya

"Ganun po ba, sige po antayin ko na lang po sila dito" sabay upo ni mika sa pwesto nya

"MOOOOOOM! DAAAAAAAD!" rinig nilang sigaw ni miko galing sa taas

"Ano yun?" napatayo si mika sa pwesto nya

"SI KAAAEEEEL POOOOO!" sigaw ulit ni miko

Napatakbo naman silang tatlo sa taas at dumeretso sa kwarto ni miko. Pagkakita nila kay kael nilapitan agad ni mika ang anak.

"Miko anong nangyare?" nag-aalalang tanong ni michelle sa bunsong anak

"Nawalan po ng malay si Kael habang naglalaro kami" kabadong kwento ni miko sa ina

"Baby mimi's here, wake up" umiiyak na pang gigising ni mika sa anak

"Dalhin na natin sya sa hospital" sabi ni mike at lumapit sa kanilang mag-ina

Binuhat na ni mike si kael at nagmadali silang pumunta sa hospital hindi kalayuan sa bahay nila.

Pagdating sa hospital inassist agad sila ng doctor at ipinasok agad si kael sa ER. Mga ilang oras din sila nag-antay bago lumabas ang doctor.

"Doc ano pong nangyare sa anak ko?" nag-aalalang tanong ni mika pagkalabas ng doctor sa ER

"Dun na po tayo sa kwarto nya mag-usap, nailipat na rin namin sya sa private room gaya ng sabi nyo" paliwanag ng doctor sa kanila

Pumunta na sila sa private room at dun nila nakita si kael na nagpapahinga at may mga nakasalpak na kung ano-ano.

Nang makita ni mika ang anak hindi na nya napigilan ang maawa at masaktan sa itsura ng anak kay napaiyak sya at nilapitan nya agad ito.

"By the way I'm doctor Albert Natividad, call me doc bert" pagpapakilala ni doc bert sa kanila

"Doc ano po ang s-sakit ng anak k-ko?" umiiyak na tanong ni mika na nakatingin sa anak

"Im sorry to tell you that Mikael has a stage 1 leukemia and because his too young he needs to undergo a bone marrow transplant surgery, he need this asap before it's too late and he die" paliwanag ulit ni doc bert sa kanila at napalingon naman sya dito

"What?! Doc m-malakas naman po ang anak ko, p-pano pong nangyare yun?" naguguluhang tanong ni mika

Hindi nya malaman kung paano nagka-leukemia ang anak, wala syang ka ideya ideya na may sakin na pala ang anak bukos sa allergy nito.

"Oo nga nakikita natin na malakas nga sya pero hindi natin nakikita kung ano nangyayare sa loob ng katawan nya, hindi din natin alam na nakakasinghot na pala sya ng usok ng sigarilyo tapos baka may family history kayo tungkol sa leukemia at isa pa baka may asthma or allergies sya na pwedeng magpahina ng katawan ng bata" paliwanag ulit ni doc bert sa kanila

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon