21: Surprise Visitor

209 3 0
                                        

Mikaela POV
Kahahatid ko lang kay kael sa school nito tapos ako papunta na sa office ng may magtext sakin.

~
From: +63948*******
     Hi Goodmorning!

~

Sino naman kaya ang isang ito? Lakas makagoodmorning baka wrongsend sa number ko.

Dahil number lang hindi ko nireplayan, wala akong balak tanungin sya kung sino ba sya dahil hindi rin naman ako nabibigay ng personal na number ko sa kahit na sino.

Pagdating ko sa office chineck ko muna ang lahat kung okay ba ang mga ginagawa nila tapos pumunta na ako sa loob ng office ko.

Nabo-boring ako dahil walang masyadong ginagawa, natapos ko na kasi last week yung pag-aayos ng mga events tapos puro normal parties lang naman ang nakabook ngayong week pag ganun sila tasya na ang humahawak nun at ang iba pang coordinator.

Ano kaya ang magandang gawin?
Hmm makapaglaro na nga lang sa laptop ko.

Bigla tumunog phone ko kaya tinignan ko muna kung sino ang nagtext.

~
From: +63948********
      Busy?

~

Grabe may kasunod agad na text galing sa kanya.

~
From: +63948********
     Can i go there? I just bored here.

~

Sino ba sya? Bored sya pero pupunta sya dito? Lakas trip ng taong ito.

"Boring din dito sa office ko" bulong ko sa sarili kaya natawa ako mag-isa

Hindi ko ulit pinansin yung text at naglaro na lang ako sa laptop ko baka tuluyan na akong mabaliw at kausapin ang sarili ko hahahahaha.

After 1hr pumasok si trina kaya napalingon agad ako sa kanya baka kasi may problema sa frontdesk.

"Ms. M may naghahanap po sa inyo" sabi ni trina pagtingin ko sa kanya

"Huh? Sino daw?" sino naman kaya ang naghahanap sakin, hindi naman siguro maniningil dahil hindi ako umuutang

"Mr. Gonzales daw po" nangunot ang noo ko sa sinabi ni trina

Baka si kuya drew sya lang naman ang nagsasabi ng apelyido nya, baka mang gugulo lang yun dito sa office ko.

"Okay sige papasukin mo na lang" wala na naman siguro magawa si kuya drew sa office nya

Ewan ko ba kay kuya drew pede naman syang pumasok na lang dito sa office.

Paglabas ni trina pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko, maya maya may pumasok na.

"Hi?" bati nya

Napaangat naman ako ng tingin.

Shoooocks! Anong ginagawa nya dito.

"A-andrei? T-take a sit" umupo naman sya sa may sofa sa gilid malapit sa table ko

May mini sala kasi ang office ko dahil noon palaging nandito si kael kaya pinalagay ko yun.

"So eto pala ang office mo, maganda ang homey tignan" tinignan nya ang kabuuan ng office ko

"A-ano ginagawa mo dito? P-paano mo nalaman?" bakit ba ako kinakabahan nagkausap na naman kami nitong nakaraan

Baka kasi dalawa lang kami tapos ang tahimik pa ng paligid namin. Baka nga ewan ko din.

"Sa page ng REO..... Wala kasi akong magawa kanina tapos habang nag-iinstabook ako nakita ko yung page ng REO" simpleng sagot naman nya

Where is my daddy?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon