Nasa condo unit nila andrei ang mga kaibigan nila, napag-isip isip kasi nila dito tumambay dahil palagi na lang sila nasa bahay ng mga Gonzales.
May kanya kanya silang ginagawa sina allison, lorie at mika ay nasa kusina, sina cristel, cristal, samantha at alexis naman ay nanonood habang ang boys ay nagkukwentuhan maliban kay nathan na nakatutok sa laptop nya.
Habang nagla-laptop si nathan may napansin syang video na naka-upload sa social media, kaya tinawag nya ang mga kaibigan upang ipakita ang video.
"Guys watch this!" excited na aya ni nathan sa mga kaibigan nya, lumapit naman sila mika at sabay sabay silang tumingin sa laptop ni nathan
Pagtingin nila sa video napangiti sila sabay sabay at nagkatinginan pa sina andrei at mika bago nagpatuloy sa panonood.
"Kuhang kuha talaga ni Kael ang galawan mo kuya" manghang saad ni cristal habang nanonood
"Well magaling kasi ako magturo" proud na sagot ni andrei sa kapatid
"Walang kupas pa rin ang galawan nyo ni Mika" papuri ni vincent sa dalawang magkasintahan
"Pwede pa rin kayong lumaban sa dance contest, may ibubuga pa kayo" nakangiting suggestion ni cristel sa kanilang dalawa habang nanonood
"Kelan ba yan?" tanong ni cristal at tumingin pa sa kanilang dalawa
"Nung family day ni Kael" nakangiting sagot ni mika sa kaibigan
Pinapanood nila yung family performance nila mika nung nagfamily day si kael na pinost ng school.
"Wait eto mas trending!" nagpipindot si nathan sa laptop nya at nag play ang video
"Wow parang nasa dance contest lang" manghang saad ni reiley na tutok na tutok sa pinapanood
"May hashtag father&songoals pa" natatawang basa ni alexis sa caption ng video
"Kelan naman ito Andrei" tanong naman ni vincent sa kaibigan
"Yan yung nanliligaw pa ako kay Mika at nililigawan ko din si Kael, isa yan sa memorable sa akin dahil sa araw na yan kauna-unahang tinawag ako ni Kael na daddy" masayang kwento ni andrei sa lahat na parang inaalala nya pa yung nangyare nung araw na iyon
"Kasama ka ba dito Mika?" tanong naman ni allison sa dalaga
"Hindi po, bonding nila dalawa yan" nakangiting sagot naman ni mika, naalaa nya rin yung araw na iyon, akala pa nga nya nananaginip ang anak
Ang pinapanood nila ngayon ay yung nag just dance sila andrei sa mall, hindi nila alam na may nagvivideo pala sa kanila.
"Mukhang sikat na kayo, 2M views tapos 500k shares at 800k comments" nakangiting saad ni jeremy habang nakatingin sa laptop
"Wait may nakita akong comment na magugulat kayo" nagpipindot ulit si nathan sa laptop nya
"Ano sabi?" tanong ni reiley sa kainigan
"Isang sikat na clothing line, ang sabi ay 'this two are good in dancing and they have a appeal, please chat me who ever know this two people I like them to be a model of our brand. Thanks in advance' , tol sikat na kayo" masayang pagbabasa ni nathan sa comment
"Kuhain nyo na ang opportunity na yan, sayang naman ang pagkakataon" nakangiting saad ni andrew sa dalawa
"Ano magmemessage na ba ako sa kanila?" excited na tanong ni nathan sa dalawa
"Sakin walang problema, sayo love okay lang ba?" pagbaling ni andrei sa girlfriend dahil gusto nya na may permiso din galing dito
"Okay lang, pero papayag ba si Kael?" alanganing sagot ni mika, nasa anak nya kasi ang desisyon kung papayag ba ito o hindi
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanficIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
