Papunta si mikaela sa Gon Co. dahil mahigit isang linggo nang hindi nagpaparamdam si andrei sa kanya.
Papunta na sya sa office ni andrei ng makasalubong nya si andrew sa hall way.
"Oh Mika anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni andrew sa kanya
"Kuya Drew bibisitahin ko lang po si Andrei" nakangiting sagot ni mika
"Hindi mo ba alam na limang araw na syang hindi pumapasok?" pagbabalita ni andrew sa kanya
"Huh? Hindi po eh, hindi nga din po sya nagpaparamdam sakin" malungkot na sabi ni mika
"Akala nga namin magkasama pa rin kayo sa condo nya kasi hindi pa sya umuuwi sa bahay simula nung nagpunta kayo dun" naguguluhang paliwanag ni andrew sa kanya
"Po? Eh nung linggo hinatid nya na po kami sa bahay akala ko umuwi na din po sya sa inyo nung araw na iyon" paliwanag naman ni mika dito
"May nangyare ba sa inyong hindi maganda? Nag-away ba kayo?" nag-aalalang tanong ni andrew sa kanya
"Wala naman po, masaya naman po kami nung araw na yun" kwento ni mika
Pwera lang yung pagsugod ni amber. Isip isip ni mika
"Ano kaya nangyare dun, tambak na ang gawain nya" pag-aalala ni andrew sa kapatid
"Sige kuya subukan ko po puntahan sa condo nya" nakangiting saad ni mika
"Sige mag ingat ka, wag nyo muna sundan si Kael" biro pa ni andrew sa kanya
"Ewan ko sa Kuya Drew, sige una na po ako" natawa sya sa sinabi ni andrew at nagpaalam na din
Umalis na si mikaela sa Gon. Co. at dumeretso na sa condo ni andrei na hindi kalayuan sa office nito, dahil kilala naman sya ng mga staff dun diretso diretso lang sya papunta sa unit nito.
Dahil alam naman nya yung passcode ng unit hindi na sya kumatok dere-deretso na syang pumasok.
Nagulat pa sya ng pagpasok nya ay sobrang dilim inisip nya pa na walang tao pero tumuloy pa rin sya.
"Andrei? Love?" pagtawag nya dito
Pero walang sumagot at madilim kaya binuksan nya ang ilaw.
"Love nasan ka?" nag-aalalang tanong ni mika
"GET OUT OF HERE!" sigaw ni andrei mula sa kwarto nila
Nakaramdam man ng kaba si mika tumuloy pa rin sya sa kwarto nila.
Pagpasok nya ang gulo ng kwarto tapos nakakalat ang mga bote ng alak at madilim.Isang lamp lang ang nakabukas na ilaw at nakita nya sa gilid ng kama si andrei na nakayuko sa mga tuhod nito kaya nilapitan nya ito.
"Love anong nangyare sayo? Bakit ganito dito?" nag-aalalang tanong ni mika habang hinahaplos ang buhok nito
"Umalis ka na kung ayaw mong masaktan!!" galit na saad ni andrei sa kanya habang nakayuko
"Love ano bang nangyayare? Pag-usapan naman natin ito" mahinahong tanong ni mika at pilit inaangat ang ulo nito
"Wala na dapat tayong pag-usapan, Mika niloko mo lang ako" galit na saad ni andrei
Nagulat naman si mika at napahinto pero agad din nakabawi.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita niloloko Andrei" naguguluhang saad ni mika
Hindi nya maintindihan ang sinasabi ni andrei sa kanya.
Nagulat pa sya ng bigla itong tumayo tapos may kinuha sa drawer ng study table sa kwarto at hinagis sa kanya.

BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...