1: Meet mika and kael

296 8 0
                                    

After 7 years.....

Hi! I'm Mikaela Garcia Reyes, 26 years old, may sariling business, ang REO (Reyes Event Organizer) at magti-three years na ang business kong ito. At isa na rin akong ina, single mom kung baga. Masaya naman kami pero alam ko na balang araw hahanapin nya ang kanyang tatay pero sa ngayon hindi ko muna poproblemahin yun.

Nandito ako sa office ngayon nag-aayos ng mga papers para sa mga events na gaganapin this month. Puro birthdays at office event ng iba't ibang companya ang nakashecdule ngayong buwan pero habang nag-aayos ako may kumatok.

"PASOK!" sigaw na utos ko habang nakatingin sa laptop ko

"MIMI!" masiglang pagtawag sakin kaya napalingon ako sa pintuan

"My baby kael!" masayang pagtawag ko sa kanya

Mikael Reyes, my 6 years old son and grade one.

Mabait, Malambing, Seryoso, Masungit sa iba, hindi ganun kakulit at strikto sa mga lalaking lumalapit sakin, hindi ko nga alam kung kanino nagmana itong anak ko pero isa lang ang sigurado ko. Sa kanya nagmana ang anak namin.

Tumakbo sya papunta sakin at niyakap ako.

"I miss you mimi!" paglalambing nya sakin sabay halik sa pisngi ko

"I miss you too baby. So how's your study?" kinandong ko naman sya at niyakap ng mahigpit

"It's great and look mimi I got a stars again" pinakita nya sakin yung 3 stars sa kamay nya

Napangiti naman ako, mga ganitong bagay lang ang nagpapasaya sakin at nagpapawala ng pagod ko tuwing umuuwi ako ng bahay lalo na pagnakikita ko sya pero sino nga ba ang kasama ng anak ko papunta dito sa office.

"Wow! Mimi is very proud of you, but wait who's with you?" tanong ko sa kanya dahil hindi pwedeng sya lang mag-isa

Sakto naman na may kumatok at pumasok ulit sa opisina ko. Sya na ang sagot sa tanong ko sa anak ko.

"Hi Ate!" nakangiting bati ni miko sakin

He is Mikoeljon "Miko" Reyes my youngest brother, 18 years old, and 2nd year college.

Ang laki ng agwat namin ng kapatid ko mga 8 years ata, hindi ko nga alam kila daddy kung bakit ang tagal nila ako sundan kung gusto pa nila magkaanak. Mag-aasawa na lang kami lahat magbibinata pa lang ang bunso kong kapatid hahahahaha.

"Miko?! Bakit kayo nagpunta dito?" takang tanong ko sa kanya madalas kasi sa bahay na talaga ang deretso nilang magtito

"Eh ate ang kulit po kasi ng anak mo gusto ka daw po nya makita, sabi ko naman hintayin ka na lang sa bahay kaso ayaw naman nya kaya no choice ako" paliwanag ni miki sabay upo sa sofa sa harapan ng table ko

Nitong nakaraang buwan kasi gabi na talaga ako nakakauwe yung bang patulog na or tulog na sya pag umuuwe ako sa bahay namin. Nasanay siguro ang anak ko na sabay kami kumakain sa gabi tapos sabay din kami matutulog.

"I'm sorry baby if mimi is so busy" niyakap ko si kael at hinalikan ang ulo nya

"It's okay mimi but don't stress yourself too much, okay?" paalala nya sakin, akala mo matanda na sya kung makapagsalita ganyan nya ako kamahal

"Okay baby I promise" tinaas ko pa yung kanang kamay ko

"I love you mimi!" malambing na saad ni kael

"I love you too baby!" nakangiting sagot ko sa kanya

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisnge ulit, sobra nya na talaga ako na-miss.

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon