45: Truth

167 4 0
                                    

Papunta si andrei sa bahay nila amber para dumalaw sa bata, yun lang naman ang pinupunta nya dun para lang bisitahin si ambriel.

Pagdating nya dun ina ni amber ang una nyang nakita.

"Hello po tita!" bati ni andrei sa ginang

"Andrei napadalaw ka" si amy ina ni amber

"Dadalawin ko lang po si Ambriel, nasan po sya?" tanong ni andrei sa ginang

"Nakita ko siya kanina sa kwarto ni Amber magkasama sila dun" kwento ni amy sa kanya

"Sige po puntahan ko lang po" paalam na ni andrei sa ginang

"Sige iho, dito ka na din magtanghalian ipagluluto ko kayo" nakangiting saad ni amy sa kanya

"Salamat po tita, akyat na po ako" sabay ngiti ni andrei

Umakyat na si andrei sa taas at dumeretso sa kwarto ni amber, nakita nyang bukas ang pinto.

"Amber?" pagtawag nya sa dalaga "Ambriel?" patawag naman nya sa bata

Pero walang sumasagot kaya pumasok na sya sa loob, nilibot nya ang paningin sa kwarto at may nakita syang papel na nakakalat sa kama ni amber, tinignan nya ito isa isa at nakaagaw pansin sa paningin nya ang isang letter na alam nya na sulat kamay ni mika iyon at ang dalawang birth certificate.

Kinuha nya parehas ito tapos naupo sya sa kama at unang tinignan ang letter galing kay mika.

~

Dear Andrei,

      Alam kong galit ka sakin dahil sa nakita mo pero ang totoo ay kaibigan ko lang si jerome sya ang naging sandalan ko nung nasa new york kami yung panahon na wala ka, na dapat ikaw yung kasama ko sa pag-papalaki at pag-aalaga kay kael.

      Oo ikaw ang totoong tatay ni kael at ang totoo nyang pangalan ay Andrei Mikael Reyes Gonzales, hindi ko masabi sayo dahil alam kong komplikado ang sitwasyon mo, may anak ka kay amber ayoko lang na guluhin ang pamilya nyo kaya itinago ko na lang. Sinasabi ko sa iyo ito hindi para humingi ng sustento, sinasabi ko sayo ito dahil bilang tatay ni kael karapatan mo na malaman ang katotohanang ito.

Ps. Mahal na mahal kita andrei kaya pinapalaya na kita. Hindi ko na isisiksik pa ang sarili ko para sayo. Iloveyou and goodbye!

Nagmamahal,
Mikaela

~

Napaiyak sya sa nabasa nya, yung feeling na nasayo na yung pangarap mo tapos tinapon mo lang, ibinulsa nya yung sulat. Sumunod nyang tignan ay yung dalawang birth certificate.

"Name..... A-andrei M-mikael Reyes G-onzales..... M-march 5, 2024..... Mother's maiden name..... M-mikaela Garcia Reyes..... Father's name..... A-andrei Martin G-gonzales" umiiyak sya habang binabasa ang unang birth certificate na hawak nya

Sorry anak kung wala ako sa tabi mo ngayon, sorry dahil matagal akong wala sa tabi mo, sorry talaga, mahal na mahal kita kael.

Tiniklop nya yung birthcert at ibinulsa kung saan nakalagay ang letter ni mika, sumunod nyang tinignang ang isa pang birthcert.


"Name..... Ambriel Cedric Castro Santos...... Mother's Name..... Amber Castro..... Fa-father's Name----" hindi na nya tinapos ang pagbabasa sa isa pang birth certificate sa sobrang inis at galit

Inis na inis at galit na galit sya dahil all this years na dapat si mika ang kasama nya na mahal na mahal nya at si kael na totoong anak nya, ay nagtiis sya ng ilang taon kasama ang babaeng hindi nya mahal at ang batang hindi nya naman tunay na anak.

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon