Andrei's POV
Tambak ang trabaho ko ngayon araw puro proposal at emails ang inaasikaso ko. Hindi ko na nga namalayan ang oras sa sobrang busy ko.Habang binabasa ko ang isang proposal may kumatok, hindi ko inalis ang mata ko sa binabasa ko, inabot ko yung control at pumindot dito.
Narinig ko na ang pagbukas ng pinto at ang pagtunog ng takong na papalapit sa table ko.
"Sir Andrei may naghahanap po sa inyo" si lara lang pala, sya ang secretary ko
"Sige papasukin mo" pero sa folder pa rin ako nakatingin
"Ma'am pasok po kayo" rinig kong sabi ni lara
Hmm babae ang bisita ko.
Naramdaman ko ang paglapit nila sa table, nakatayo lang sila sa harapan ng table ko.
"Sir labas na po ako" paalam na ni lara sakin
Tumango lang ako bilang sagot nang hindi ko na marinig ang ingay ng takong nya ay sinarado ko na yung pintuan.
"Take a sit miss" umayos na ako ng upo
Sinarado ko muna yung binabasa ko bago ako tumingin sa bisita kong bagong dating.
"What can I ---"
"Hi?" nakangiting bati nya
Nagulat ako sa pagdating nya, natulala pa ako sa kanya ng ilang segundo bago nakagalaw.
"Anong ginagawa mo dito Miks?" tumayo agad ako at lumapit sa kanya
"Wala tatambay lang, nakakaistorbo ba ako?" nakangiti lang sya sakin habang papalapit ako sa kanya
I miss that smile of you!
Ilang linggo ko din hindi nakita ang taong ito lalo na ang mga ngiti nyang ganyan.
Tumabi ako sa kanya yun bang wala na space sa pagitan namin, wala naman ang anak nya kaya okay lang na magtabi kami.
"Syempre hindi noh, hindi ka kailanman magiging istorbo sakin" kahit araw araw pa ditong tumambay ay okay lang mas gusto ko pa nga yun
Napangiti na lang ako sa naisip ko, sya araw araw nandito sa office ko? Siguradong gaganahan talaga akong magtrabaho.
"Lunch?" tanong nya sakin
"Sure san mo gusto?" sabay ngiti ko sa kanya
Hindi na ata mawawala ang ngiti ko dahil sa biglaang pagdalaw nya.
"May dala na akong pagkain pina-ayos ko na sa pantry" nakangiting sagot nya
"What?!" gulat na sigaw ko bakit sa pantry pa
"Oh bakit hanggang ngayon ba hindi ka pa rin kumakain sa pantry nyo?" tumingin sya sakin na nagtataka
"Hindi diba sina---" naputol yung sasabihin ko ng magsalita sya
"Shhh! Subukan mo lang makisabay sa kanila, alam mo mas masarap kumain pag may kasabay" pangungumbinsi nya sakin
"Pero ayoko!!" pagmamatigas ko
Magiging masarap lang ang kain ko kung sya lang ang makakasabay ko at wala ng iba.
"Lumabas na naman si Andrei the anti-social boy... Alam mo mas masarap magtrabaho pag okay kayo ng mga empleyado mo hindi man medyo close pero yung nakakausap at kabiruan mo katulad sa office ko nakita mo naman yung samahan namin diba. Iparamdam mo sa kanila na isang buong team kayo para mas sumipag pa sila lalo magtrabaho" pangaral naman nya sakin tama naman sya pero ayoko pa rin

BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanficIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...