18: Catch up for old times

155 3 0
                                    

Mikaela POV
Nasa mall kami ngayon, nagkayayaan kasing kumain sa isang fastfood chain namimiss lang daw nila kumain kami ng sabay sabay.

Kami pa lang nila kuya, ate allison, alexis, reiley, nathan at lorie ang nandito at inaantay namin ang magkakapatid at mga partners nila.

Sila nag-uusap usap tapos ako ito nag-iisip hanggang ngayon yung tungkol sa family day ni kael malapit na kasi.

"Oh Mika bakit mukhang problemado ka?" tanong ni kuya sakin

Tumingin naman sakin yung iba pa namin kasama.

"Bukas po kasi family day nila Kael" sagot ko naman

"Oh anong problema dun sis?" pagtataka naman ni alexis

"Eh kasi iniisip ko na sila daddy na lang ang papapuntahin ko kaso baka naman magtampo na sakin yung anak ko last time kasi sila daddy na ang kasama nya" pagdadalawang isip ko

Nung nakaraan ko pa nga ito pino-problema.

"Alam mo palang magtatampo ang anak mo bakit hindi na lang ikaw ang magpunta?" tanong ni ate ally

"Eh kasi kailangan po magperform ng buong family, ayoko naman pong mabully si Kael dahil wala syang kasamang daddy" baka dahil dun masimulan syang mabully ng ibang mga bata

Tsaka last year naman kasi walang performance na naganap, ngayon lang.

"Problema nga talaga yan" pagsang-ayon sakin ni lorie

Napasandal na lang ako sa upuan at napabuntong hininga, sakto naman dumating yung magkakapatid.

Sila kuya andrew, ate samantha, ate cristel, kuya jeremy, vincent at cristal, mabuti naman at hindi nila kasama si andrei at sinabi na rin nila sakin na kasama nga sya.

Okay naman sakin na nakikita ko sya na magkakasama kami pero naiilang pa rin ako sa prisensya nya, wala naman pinag-bago sa kanya pero pakiramdam ko na kailangan ko na dumistansya sa kanya.

Siguro dahil alam kong may pamilya na sya at may nililihim ako sa kanya.

"Oh mukhang may pinag-uusapan kayo ah" sabay upo ni kuya drew sa tabi ni kuya

"May problema kasi si Mika" sagot ni lorie sa kanya

"Ano naman yun?" tanong naman ni ate sammy na nasa tabi ni kuya drew

Tumingin pa silang lahat sakin, nasa akin na naman ang atensyon ng lahat.

Hindi ba pwedeng kung sino lang ang nagtanong sya lang titingin, hindi yung lahat sila titingin sakin na parang may ginawa akong kasalanan.

Hindi tuloy ako nakapagsalita at tumingin lang din ako sa kanila. Bahala sila dyan.

"Bukas daw kasi family day ni Kael sa school eh kailangan daw magperform ang buong family" si alexis na ang nagkwento naramdaman nya ata na hindi ako magsasalita

Thanks cousin mwuah!

"Iniisip nya na sila Tito Mike na lang ang pumunta kaso baka daw magtampo yung bata" dugtong naman ni reiley sa sinabi ng asawa nya

"Magtatampo talaga yun, syempre ikaw ang inaasahan nya na pupunta pero wala ka" pagsang-ayon din ni ate cristel sa naiisip ko

"Eh kasi naman po nag-aalala lang naman po ako baka mabully po sya dahil wala syang kasamang daddy sa araw na yun" ayoko maranasan nya ang mga ganung bagay sa buhay nya

"Anong walang daddy? Eh nandyan kaya ang daddy nya" ayan na naman po ang pinsan kong si vincent dumaldal na

"Mang-aasar ka na naman eh noh, alam mo naman magkaaway yung dalawa at hindi magkasundo" ako na naman ang kawawa dahil ako ang aasarin nila buong araw

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon