58: Birthday Proposal

117 5 0
                                    

Napagplanuhan nila na sa condo unit na lang gawin ang surprise ni andrei tutal medyo malaki naman ang unit nito.

Kabadong kabado si andrei habang inaayos lahat ng mga napagplanuhan nila ng mga kaibigan.

"Guys ready na ba ang lahat?" kanina pa sya hindi mapakali dahil iniisip nya baka masira ang plano nya

"Relax ka lang Andrei, okay na ang lahat at wala kang dapat problemahin" pagpapakalma sa kanya ni michael

"Grabe nakakakaba pala yung ganito, akala ko madali lang" kabado talaga sya dahil pinagpapawisan na sya kahit may aircon na

"Napagdaanan din namin yan bro, kaya wag kang mag-alala" pagku-kwento pa sa kanya ni andrew sabay tapik sa balikat nya

"Relax ka pa nga nyan hindi tulad ni Vincent nahimatay pa sa kaba muntikan na hindi matuloy yung pagpropropose nya" natatawang kwento ni jeremy sa kanya

"Sige ipaalala nyo pa, hindi alam ni Cristal yun" sita naman sa kanila ni vincent

"Alam ko kaya naikwento nila Kuya Drew sakin yun" pagsingit ni cristal sa usapan nila

Nagtawanan sila.

Medyo nawala ng konti ang kaba nya pero maya maya bumalik ulit dahil nagtext na sa kanya si mika.

"Guys pwesto na parating na sya" utos ni andrei sa lahat

Pinatay na nya ang ilaw at nagkanya kanya na silang tago, habang tumatagal lalong kinakabahan si andrei.

Maya maya pa ay nagbukas yung pintuan nakita nya ang anino ni mika.

"Love?" pagtawag ni mika sa pangalan nya "Baby Kael?" patawag naman nito sa anak nila

Tinanguhan nya si reiley, pinindot naman nito ang phone nya at biglang may tumugtog.

Not sure if you know this

But when we first met

I got so nervous

I cound't speak

Nagbalik sa alala ni andrei ang una nilang pagkikita ni mika.

"Guys meet my sister Mikaela" pagpapakilala ni michael

"Hi Mikaela!" bati ng lahat

"Mika ito pala si Andrei ang bestfriend ko" michael

"Hi!" bati ni mika

Natulala na si andrei ng mga oras na iyon at hindi makapagsalita

Napangiti na lang sya habang nakatingin sa babaeng nasa harapan nya.

In that very moment

I found the one and

My life had found its

Missing piece

Habang nakatulala sya noon ay nakaramdam sya ng kakaibang saya, at naramdaman nya na kompleto na sya.

Nakita nya na pumasok na si mika sa loob, kaya tinanguhan nya si nathan tapos may sinaksak syang plug at bumukas na ang mga led lights sa kanya kanya nitong pwesto.

So as long as I live I love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now to my very last breath

This day i'll cherish

You look so beautiful in white

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon