Nagkayayaan mag bakasyon ang magkakaibigan dahil naging sobrang busy sila nung mga nakaraang buwan at hindi na sila masyadong nagkikita.
Papunta na sila sa isang beach house na binili nila sa batangas nitong nakaraang buwan lang, matagal na nilang plano ito kaso nga lang hindi nila mabili dahil wala yung dalawa kaya nung nakumpleto na sila tuluyan na nila ito binili.
Habang nasa byahe sila puno ng asaran at tawanan ang loob ng van na sinasakyan nila syempre ang pasimuno ay ang tatlong mokong na sina vincent, reiley at nathan na ginatungan pa ng ibang boys.
Gabi na ng makarating sila sa beach house, 2days and 2nights sila mananatili sa lugar na iyon.
"Namiss ko magbakasyon" masayang saad ni alexis
"Buti nga walang masyadong gagawin sa office kundi hindi ako makakasama ngayon" sabay sandal ni andrew sa sofa
"After 7years nakapagbakasyon din tayo ng kumpleto" masayang saad ni nathan habang nakaakbay sa asawa
"Kaya nga, pero may napapansin ako parang may tinatago satin yung dalawa" pagpaparinig ni vincent na pasimple pang tumingin sa kina andrei at mika
"Oo nga parang may nangyareng hindi natin alam diba Andrei" gatong naman ni reiley
"Aba malay ko sa inyo, kung ano ano sinasabi nyo" nakangiting sagot ni andrei sa kanila
"Patay malisya pero kung makangiti wagas" biro naman ni michael sa kanya
"Ewan ko sa inyo ilagay nyo na lang yung mga gamit nyo sa mga kwarto at magpahinga na tayo" utos ni andrei para makaiwas sa usapan alam nya kasi na silang dalawa ni mika ang tinutukoy nung dalawa
"Iwas pa more!" sabay sabay na sabi ng boys
Nagtawanan sila bago magsitayuan tapos nagkanya kanya ng buhat ng bag at kanya kanyang pasok ng kwarto syempre alam na kung sino ang magkakasama sa mga kwarto.
Kinaumagahan naunang nagising sina michael, allison, andrew, samantha, jeremy, at cristel, na nasa kusina na at hinihintay magising ang iba pang mga kaibigan.
Pababa na sana si mika, nang lumabas si andrei sa kwarto nito na katabi lang ang kwarto nya.
"Goodmorning love!" nakangiting bati ni andrei sa kanya
"Baka may makarinig sayo, goodmorning din" natatawang sita ni mika dito
"Hayaan mo sila" sabay halik ni andrei sa noo nya
"Si Miko ba gising na?" tanong ni mika na tumingin pa sa kwarto ni andrei
"Oo pero nakahiga pa rin dun sa kwarto, bakit?" takang tanong naman ni andrei sa kanya
"Pababantayan ko lang sana si Kael sa kwarto kasi mamaya magising yun ng walang kasama eh magwala" paliwanag ni mika kay andrei
Nagwawala kasi si kael pag nagising ng walang kasama at maluwag ang hinihigaan nya.
"Tara samahan na kita" aya naman ni andrei sa kanya
Pumunta na sila sa kwarto ni andrei, pagkakita pa lang ni miko sa ate nya alam na nya kung ano ang gagawin nya, bumangon na sya tapos lumipat sa kabilang kwarto at tumabi na kay kael.
Sina mika at andrei naman ay bumaba na at dumeretso sa kusina naabutan nila dun ang mga nakakatandang kaibigan.
"Goodmorning guys!" bati ni andrei pagpasok sa kusina
"Goodmorning mga ate at kuya!" bati naman ni mika
"Goodmorning!" bati ng tatlong girls
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanficIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...