37: Amber?

124 3 0
                                    

Sa Bahay ng mga Gonzales magkakasama ang magbabarkada, dahil napagkasunduan nila na dapat isang beses sa isang linggo magkikita kita silang lahat.

Kaso nitong nakaraan ay hindi nila ito nagagawa sa sobrang busy nilang lahat dahil dalawang buwan na lang ay magpapasko na.

"Salamat at nabuo na naman tayo" masayang saad ni reiley

"Hays nakapagchill din after 3 hell weeks" napasandal naman si vincent sa sofa na parang pagod na pagod

"Kamusta naman kayo?" hindi na rin kasi masyadong nakikita ni andrew ang mga kaibigan

Ang nakikita na lang nya sa mga kaibigan nya ay yung mga kasama nyang nagta-trabaho sa company nila.

"Eto namiss ko si love" nakangiting sagot ni andrei sabay akbay sa girlfriend

"Sus parang hindi naman kayo nagkikita baka nga kayo ang madalas magkita satin lahat" pang-aasar naman ni vincent sa dalawa

"Hindi nga kasi ang daming ginagawa sa office" depensa ni andrei dahil kung busy ang kuya nya busy din sya

"Puro events din ako kaya ngayon lang talaga kami nagkita" mas madami na rin ang event na inaasikaso ni mika dahil malapit na nga magpasko

"Kahit kami ni Allison ngayon na lang ulit nagkita, sa sobrang busy sa mga grocery" mas madalas na kasi si michael sa mga grocery dahil mabilisan ngayon ang pagde-deliver ng mga manufacturer

"Halos lahat naman yata ngayon na lang ulit nagkita, syempre pwera na lang sa mag-asawa nya" natatawang sagot ni cristel

Nagtawanan sila.

"Pag Ber months talaga sobrang busy natin" pagsang-ayon ni jeremy sa asawa

"Tama na yan kumain na muna tayo" awat na sa kanila ni andrew

Nagkanya kanya na silang kuha ng pagkain, nasa isang table sa side kasi yung mga pagkain nila.

Habang kumakain sila syempre hindi mawawala ang walang humpay na kwentuhan at kulitan nila.

"Guys may announcement pala ako sa inyo" nakangiting panimula ni andrew tumingin naman sa kanya ang lahat

"What is it kuya?" tanong naman ni cristal sa kapatid

"Ano yun?" ganun din si alexis

"Me and Sammy having a baby girl" masayang balita ni andrew sa lahat

"Wow! Congrats Kuya and Ate" masayang bati ni cristal sa dalawa

"Congrats Tol!" bati naman ni michael

"May babae na din ang pamilya natin" masayang saad ni reiley

"Alam na ba nila daddy ito?" tanong ni andrei sa kapatid nya

"Yup kahapon lang namin sinabi sa kanila" nakangiting sagot ni andrew

"Wait dahil napag-usapan na din naman ang tungkol sa gender ng baby" nakangiting pagsingit naman ni jeremy

"Kuya sana girl din" panalangin ni alexis

"Yup Cristel is having a baby girl too" masayang anunsyo ni jeremy

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni alexis

"Oo bunso" nakangiting sagot ni jeremy sa kapatid

"Yes! Congrats kuya and ate!" masayang bati ni alexis sa dalawa

"Congrats sa inyo!" masayang bati naman ni lorie

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon