33: Bonfire

86 4 0
                                    

Last night na nila ngayon at bukas uuwi na sila. Nakapalibot sila sa bonfire at nag-uusap, nag-aasaran, nagkukulitan at nagtatawanan, syempre hindi naman mawawala yun sa kanila.

"Guys kanta tayo" aya ni reiley habang nagtitipa ng gitara

"Ano naman ang kakantahin natin?" tanong ni andrei sa pinsan habang naka-akbay kay mika

"Sandali nga bakit may akbayan na nagaganap?" panunukso ni michael sa katabi

"Kanino?" luminga linga pa andrei sa ibang kaibigan

Si mika naman ay nakangiti lang sa mga kaibigan.

"Wow patay malisya na naman sila" pagpaparinig naman ni vincent sa dalawa

"Masama na bang umakbay ngayon?" takang tanong ni andrei na mas hinapit pa si mika sa tabi nya

"Hindi pero parang may iba eh" mapanuksong tumingin si jeremy sa dalawa

"Ano po ang iba?" pagtataka naman ni mika pero nakangiti sya

"Wait kanina ko pa kasi napapansin na pare-parehas kayong tatlo nila Kael ng bracelet, may hindi ba kami alam?" nakangiting tanong naman ni samantha

Nagtinginan silang dalawa.

"Sasabihin na ba natin sa kanila?" bulong ni andrei kay mika

"Ewan ko, pero siguro naman dapat malaman na nila" bulong pabalik ni mika

May isang buwan na din naman kasi silang magkasintahan.

"Sigurado ka ba?"  pasimple pang tumingin si andrei sa mga kaibigan na nakatingin lang sa kanilang dalawa

"Oo naman hindi rin naman magtatagal malalaman din nila yun dahil sa ka-sweetan mo" tumawa pa ng mahina si mika na may halong kilig

"Oh bakit may bulungan din na nagaganap?" panunukso na rin ni cristel, napaharap naman yung dalawa sa kanila

"May tinatago talaga kayo samin" nakangising sabi ni andrew

Nahahalata na rin naman ng lahat na may iba sa dalawa at may idea na sila pero mas gusto nilang sa dalawa manggaling yung napapansin nila.

"Okay may sasabihin kami sa inyo" panimula ni mika at humarap naman ang lahat sa kanila

"Hmm ano..... kami na..... ni Mika" anunsyo ni andrei tapos tinaas nya yung kamay nilang dalawa na magkaholding hands habang nakangiti

Nagtilian naman yung mga girls at ngiting tagumpay yung boys.

"Seryoso ba yan?" tanong ni alexis

"Totoo kayo na?" ganun din si cristal

Hindi makapaniwala tanong nung dalawa kaya tumango si mika.

"Masaya ako para sa inyong dalawa" masaya si andrew sa dalawa dahil alam nyang ito na ang simula para mabuo ang pamilya ni kael

"Sa wakas at kayo din ang nagkatuluyan" nakangiting saad naman ni michael at hinawakan ang kamay ng kapatid

Ganun din si michael masaya sya dahil alam nyang sasaya na ang kapatid at pamangkin.

"Salamat po sa inyo!" nginitian ni mika ang lahat, masaya syang makita ang mga kaibigan para sa kanila ni andrei

"Mimi why are they happy?" pagtataka ni kael busy kasi sya sa pagkain ng hotdog at mallows kasama si miko kanina

"Because they know now about the relationship between me and your Daddy Andrei" nakangiting paliwanag naman ni mika sa anak

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon