Dahil sa dami ng trababo ni mika ay naging sobrang busy sya hindi na nya namamalayan ang oras. Madami kasing nagpabook sa kanila ngayong buwan at fully book sila ngayon.
Habang tutok na tutok sya sa laptop nya ay may tumawag sa kanya hindi na nya nagawang tignan kung sino ang tumatawag sa kanya.
*Call Accepted*
"Hello?" mika
[ H-hello Ms. Reyes y-yung a-anak nyo ho ]
"Oh bakit? May nangyare ba?" nag-aalalang tanong ni mika
[ Na-nakidnap po--- ]
"ANO!" napatayo si mika, sinimulan na syang kinabahan
[ Nakidnap po sila ]
"Papunta na ako dyan!" mika
*End Call*
Nagmadaling umalis si mika sa opisina nya dahil sa pagmamadali ay naiwan nya pa ang susi ng kotse mabuti na lang may taxi na dumaan sa tapat ng opisina nya kaya dali-dali syang sumakay dito pero pag minamalas nga naman natraffic pa sya.
Dahil sa sobrang pag-aalala nya sa anak hindi na nya napigilan maluha sa loob ng taxi.
Lord please guide and protect my son, don't let anything bad happen to him. Keep him safe please!
Pagdadasal ni mika sa isip nya.Pagdating ni mika sa studio na pinag-eensayuhan ni kael, naabutan nya ang madaming pulis kaya nagmadali syang magbayad, bumaba at pumasok sa loob.
"Nasaan ang a-anak ko?" nag-aalalang tanong ni mika pagpasok sa loob
"Ma'am huminahon po kayo" isa sa mga instructor sa studio
"Y-yung anak ko n-nasaan?" pagpipigil ni mika sa pag-iyak
"Ma'am nandito po sya, sunod po kayo" paliwanag ng isa pang instructor
Sinundan nya yung teacher ng anak nya dahil yun ang nakikilala nyang nagtuturo sa anak.
Nakita nya si kael na nakatalikod habang umiiyak kasama ang isang pulis.
"MIKAEL!" pagtawag ni mika sa anak
Nang makita sya nito ay agad itong tumakbo papunta sa kanya.
"Mi...mi!" pag-iyak ni kael habang nakayakap sa kanya
"I'm sorry baby, I'm sorry" napaiyak na rin si mika sa nakikitang itsura ng anak
"I-i'm so s-scared mimi" takot na takot si kael at nanginginig pa ito ng konti
"Don't be scared, mimi is here for you" pagpapakalma ni mika habang hinahagod ang likod ng anak
Yumakap lang sa kanya si kael ng mahigpit sa sobrang takot sa nangyare.
Hindi na malaman ni mika kung ano ang mararamdaman nya matapos makita ang itsura ng anak, matatakot ba sya? maawa? maiiyak?
Pero isa lang ang sigurado sya ang maging matatag para sa anak dahil alam nya na sa kanya kumukuha ng lakas ang anak.
Huminga ng malalim si mika tsaka nagpakawala ng hininga, ramdam nya pa ang takot ng anak.
"Mimi's now okay.... I'm glad that you are safe baby" malumanay na saad ni mika habang yakap pa rin ang anak
Lumapit ang hepe ng mga pulis sa pwesto nilang mag-ina

BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
Fiksi PenggemarIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...