47: Forgiveness

161 5 0
                                    

Sa bahay ng mga Reyes busy sa panonood ang lahat dahil saturday restday nilang lahat.

Napagdesisyunan na din ni mika na hindi na pumasok tuwing weekend simula nung ma-hospital kaya everyweeken magkasama sila palagi mag-ina.

Nasa sala sila lahat nanonood ng bagong download na movie ni miko, habang nanonood ay may nagdoorbell.

*Ding....dong* *ding....dong*

Nagtinginan silang lahat at hinihintay kung sino ang tatayo.

"Ako na po ang titingin" prisinta ni michael

"Sige anak" sagot ng ama nya

Lumabas na si michael at maya maya bumalik na din sya agad at hinarap ang kapatid.

"Mika may bisita ka" anunsyo ni michael

"Sino kuya?" takang tanong ni mika sa kapatid

"Tignan mo na lang sa labas, hindi ko kasi sigurado kung okay lang sayo na kausapin sya o hindi kaya sabi ko maghintay na lang sya sa labas at tatawagin na lang kita" paliwanag ni michael sa kanya

Dahil sa nalilito si mika sa sinasabi ng kuya nya lumabas na lang sya at nagulat sya sa nakita nya.

Walang kabuhay buhay, lasing, magulo ang damit at matamlay na lalaki.

Napapikit sya at napabuntong hininga bago harapin ang lalaking nasa harapan nya.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni mika

"Mika please talk to me" malungkot na pakiusap ni andrei sa kanya

"Andrei umuwi ka na, tignan mo nga yang sarili mo tapos lasing ka pa" mahinahong utos ni mika dito

Ibang andrei ang nakikita nya ngayon, malayong malayo sa andrei na nakita nya nung araw na sinagot nya ito.

"Hindi ako uuwi hanggat hindi tayo nag-uusap" pagmamatigas ni andrei

"Tsaka na tayo mag-usap Andrei pag hindi ka na lasing at maayos na ang takbo ng utak mo" alam nyang hindi sila makakapag-usap ng maayos ni andrei sa ganyang itsura nito

Nagulat sya ng biglang lumabas si mikael at tumakbo agad papunta kay andrei.

"Daddy!" sabay yakap ng anak nya kay andrei

"My baby!" malambing na pagtawag ni andrei habang yakap ang anak nila at lumuha ito

Nakita ni mika kung paano nagningning ang mata ni andrei na makita ang anak nila ganun din ang nakita nya sa mata ng anak.

"I miss you daddy!" malambing na saad ni kael

"And I miss you so much!" sabay halik ni andrei sa noo ng anak

"Kael come here" pagtawag nya sa anak

"Mimi daddy's here!" ramdam nya ang saya sa anak

"Kuya pakipasok muna po si Kael!" pakiusap ni mika sa kuya nya ng makita itong papalapit sa kanila

"Kael let's go inside your mimi and daddy need to talk in private" paliwanag ni michael sa pamangkin

"Yes tito daddy! Bye daddy!" masiglang paalam ni kael sa ama at hinalikan nya ito sa pisngi

"Bye my son!" isang malambing na paalam ni andrei sa anak

Pumasok na sila michael sa loob, naiwan na naman yung dalawa na nakatayo sa harapan ng isa't isa.

Nasaksihan ni mika kung paano nagbago ang mag-ama ng magkita sila, nag niningning ang mga mata at kakaiba ang mga ngiti lalo na ang saya sa anak.

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon