49: Permission

129 5 0
                                        

Kasusundo lang ni andrei sa mag-ina nya at papunta na sila sa bahay ng mga Reyes.

Simula nung magka-ayos sila ni mika ay hatid sundo nya na ang mag-ina nya, sabay sabay din silang tatlong kumakain ng breakfast, lunch at dinner.

Pagdating nila sa bahay ng mga Reyes naabutan nila ang mga ito na nanonood sa sala, lagi naman ganon ang eksena pagdumarating sila.

"WE'RE HERE!" masiglang sigaw ni kael pagpasok nila sa bahay ng mga Reyes

"Good evening po!" nakangiting bati ni andrei sa magulang ni mika

"Andyan na pala kayo" nakangiting din si mike na humarap sa kanila

"Kayo na lang hinihintay namin para makakain na" sabay ngiti ni michelle sa kanila

Sabay sabay na silang lahat nagpunta sa kusina at sabay sabay kumain at syempre hindi mawawala ang kwentuhan.

"Ate Ally si kuya nasan po?" tanong ni mika sa asawa ng kapatid

"Wala pa, pero sabi nya mauna na daw tayo kumain" nakangiting sagot ni allison

"Ah okay po" sabay ngiti din ni mika

"Tayo na at magdasal bago kumain" utos ni michelle sa lahat

Si miko ang naglead ng prayer, pagtapos nilang magdasal ay nagsikain na sila.

Pagtapos nilang kumain ang mga babae na lang ang nagligpit ng pinagkain nilang lahat.

Nilapitan naman ni andrei ang si mike at kinausap ito ng mahina yung hindi maririnig ni mika.

"Tito pede ko po ba kayo makausap ng pribado?" kinakabahang tanong ni andrei sa ama ng mahal nya

"Sure! Dun tayo sa veranda" pagpayag ni mike

"Sige po" tumayo na si andrei

"Miko ikuha mo kami ng beer ng Kuya Andrei mo at ikaw na muna bahala kay Kael" mahinang utos ni mike sa bunso nila

"Yes dad!" pagsunod agad ni miko sa ama

Nagpunta na ang dalawa sa veranda, kinakabahan naman si andrei hanggang sa maka-upo na sila.

Kahit pala gaano nya kalapit ang pamilya ng minamahal nya ay kinakabahan pa rin sya ng makaharap ang ama nito.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" simulang tanong ni mike sa kanya

"Tito tungkol po sana sa m-mag-ina ko" kinakabahang sagot ni andrei

"Ano ang tungkol sa kanila?" pagtataka naman ni mike

"Dad eto na po yung pinapakuha mo kay Miko" pagsulpot bigla ni michael na may dalang tatlong bote ng beer

"Dumating ka na pala Michael, nasan si Allison?" tanong ni mike sa panganay na anak

"Nasa kusina pa po kasama sila mommy. Ano pong meron?" pagtataka naman ni michael at nagmano sa ama

"May pag-uusapan lang, tamang tama at nandito ka na rin" kahit papaano nabawasan ang kaba ni andrei ng dumating ang kaibigan

Umupo na din si michael malapit sa pwesto ng ama.

"Tungkol kila Mika ang pinag-uusapan namin. Sige na Andrei Simulan mo na" pagka-inon ni mike ng alak ay tumingin na ito sa binata

Napatingin din kay andrei si michael, huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"Alam nyo po na ilang taon ko pong hindi nakasama ang mag-ina ko at ilang taon ko din po hindi nagampanan ang pagiging ama ko kay Kael na pinagsisisihan ko po...... Nitong mga nagdaang mga araw po napag-isipan ko po na dapat maramdaman nila na nandito lang ako para sa kanila. At alam ko na may takot pa pong nararamdam si Mika na baka iwanan ko po ulit sila" paliwanag ni ni andrei na nakatingin sa mag-ama na nasa harapan nya

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon