Pauwe na sila mika galing opisina nya, sinundo sya ni andrei na lagi naman nitong ginagawa sa kanya, pagdating sa bahay nila naabutan na nila ang pamilya ni mika na kumakain na.
"Nandito na po kami, good evening!" nakangiting bati ni mika sa pamilya at hinalikan ang lahat
"Good evening po!" nakangiting bati din ni andrei sa lahat at nagmano sa magulang ni mika
"Good evening too mimi and daddy!" masiglang bati naman ni kael sa magulang nya sabay halik sa mga pisngi nito
"Halina't sumabay na kayo samin" aya ni mike sa kanilang dalawa
Naupo naman sila sa tabi ng anak nila at kumuha na din ng makakain nila.
"Ginabi na ata kayo" takang tanong ni michelle sa dalawa, palagi kasi ang mga ito dumadating bago mag hapunan
"May tinapos lang po ako sa office kaya medyo ginabi na po ng uwi" paliwanag ni mika sa ina habang kumakain
"Sige na kumain na muna kayo" pag-awat naman ni mike sa usapan ng mag-ina nya
Pinagpatuloy na nila ang pagkain nila, kumpleto sila sa hagkainan ngayon paminsan minsan kasi late ng umuwi si michael kaya hindi nakakasabay sa hapunan nila, minsan naman si mika ang huli na kung dumating.
Pagtapos nilang kumain umakyat na sila mika sa kwarto nya dahil napagpasyahan nila na kausapin na si kael tungkol sa totoong daddy nya.
Nakaupo si kael sa kama habang nagbabasa, umupo naman si mika sa harapan ng anak at si andrei ay nakaupo sa likuran ni mika.
"Kael can we talk?" kinabahan si mika dahil hindi nya alam kung paano mag-rereact ang anak nila sa sasabihin nila ni andrei
"Yes mimi!" sagot ni kael sa kanya at binaba nito ang binabasa nya
"Listen to mimi okay, let's talk about your daddy" panimula ni mika at hinawakan ang mga kamay ng anak
"Daddy Andrei?" takang tanong ni kael at tumingin kay andrei na nasa likuran nya
"I mean your real daddy" paglilinaw ni mika sa anak
"Why?..... Can we just forget that man. I'm happy now... with you and Daddy Andrei, so why we need to talk about him?!" mararamdaman mo ang galit sa boses ni kael habang sinasabi ang mga yan
Mas kinabahan tuloy si mika sa tono ng anak, nagdadalawang isip tuloy sya kung sasabihin na ba nila sa anak nila ang totoo o sa susunod na lang.
Kinabahan din si andrei dahil hindi nya akalain na ganun ka-grabe ang galit ng anak sa totoo nitong daddy na sya pala.
"Little buddy listen to mimi first" pakiusap ni andrei sa anak
"Okay daddy" simpleng sagot ni kael sa daddy nya
Huminga ng malalim si mika, tumingin muna sya kay andrei bago magsalita.
"B-baby your real.... daddy is.... your Daddy Andrei" dahan dahan na paliwanag ni mika sa anak
"WHAT?" gulat na tanong ni kael sa kanya at kumunot ang noo nito sabay tanggal ng kamay nya sa kamay nito
"He is your real daddy, baby" paliwanag ulit ni mika sa anak
Napatakbo naman si kael palabas ng kwarto nila, sakto naman na papunta sila michael sa kwarto ng kapatid at nakita nya ang pagtakbo ng pamangkin papunta sa kwarto ng magulang.
"Baby come back here!" malungkot na pagtawag ni mika sa anak
"Oh anong nangyayare dito?" tanong ni michael pagkasilip sa kwarto ng kapatid
BINABASA MO ANG
Where is my daddy?
FanfictionIsang anak na naghahanap ng pagmamahal sa ama. Mahahanap nya kaya ang pagmamahal sa sariling ama o mahahanap nya ito sa iba? Mabubuo pa kaya ang inaasam nyang pamilya? -Abangan! Isang ina na gustong ibigay ang lahat ng ikakasaya ng anak. Ina na gust...
