Chapter 1

298 13 0
                                    

Ayen's POV

Lumipas ang tatlong buwan, marami na rin akong natutunan. Kilala ko na rin lahat ng pangalan ng classmate ko. Si Joshua at Lorie ay lagi nalang nagtatalo, mahilig silang makipagkumpetensya sa isat isa yun nga lang laging talo si Lorie. Sabi nya hindi daw sya titigil hanggat hindi nya natatalo si Joshua. Yung tatlong Jhon naman ay ang pinaka makukulet sa classroom namin. Sila din yung pinakamaingay sa classroom. Si Axel naman ay mahilig pa din matulog sa klase. Pero pagdating sa quiz at recitation nakaka sagot sya. Madalas pa nga sya yung highest eh. Nakakausap ko din naman silang lima, pinakamadalang si Axel. Nakakausap ko lang sya kung tungkol sa pag-aaral at kung may binabayaran sila. Miss treasurer na nga tawag sakin ng lahat ng classmate ko eh. Yung tatlong Jhon ang pasimuno. Masaya naman ako kasi araw araw kong nakikita si Axel at nakakausap ko pa kahit  minsan lang. Nakikita ko na rin syang ngumiti at tumawa. Pagnakikita ko yun kumpleto na araw ko.

"Good morning Ma'am Bianca!" Bati namin habang nakatayo.

"Good morning. Sit down." maam.

"The last week of september will be our Intramurals. Ang magkaka team ay lahat ng section A from first year to fourth year. Ganun din sa section B at C. Mamayang 3pm ay magkakaroon ng meeting sa Auditorium lahat ng section A ay required pumunta dun. Attendance is a must.Miss President ikaw ang in-charge ng attendance sa klase natin. Pagkatapos ng meeting ibigay mo sakin agad yung attendance," si maam.

"Yes Ma'am," sagot ni Lorie.

"Magkakaroon din tayo ng contribution para sa inyong T-shirt,300 kasama ng ang paprint. Hanggang biyernes lang ang deadline. Kaya dapat before or by friday nakabayad na lahat. Miss Fernandez ikaw ang magcocollect ng pera, understood?" si maam.

"Yes maam," sagot ko naman.

"Para sa Mr. and Ms. Intramurals by year and section naman ang competition. Ang muse at escort ang representatives ng section natin. That's all for now, pumunta na lang kayo mamaya sa auditorium for more information. Sa mga players natin dito sa classroom please participate. Sige see you later," si maam tsaka sya lumabas ng room.

Pagkatapos ng dalawang subjects ay lunchbreak na. Pumunta kami ni Lorie sa canteen. Ako nalang ang umorder ng pagkain. Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay pumunta na ako sa lamesa namin ni Lorie at nilapag ang pagkain.

"Thank you best," si Lorie ng binigay ko sa kanya yung pagkain nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at umupo na.

"Anong sasalihan mong sport?" tanong ko kay Lorie habang kumakain kami.

"Sa chess ako sasali tsaka sa cheer dance competition. Sali ka din sa cheer dance best." Lorie.

"Alam mo namang di ako marunong sumayaw eh," sabi ko.

"Eh anong sasalihan mong sport?" Lorie.

"Wala siguro. Ichecheer ko na lang kayo. Alam mo namang wala akong alam na kahit na anong sport eh," sagot ko sa kanya.

Pinandilatan nya ako ng mata.

"Wag ka nga. Magaling kang magvolleyball, marunong ka rin ng badminton at chess. Sumali ka pa nga ng cheer dance competition last year. Ang sabihin mo tinatamad ka na naman.Hmp," sabay irap nya.

Tinawanan ko lang sya. Sumali lang ako last year ng cheer dance kasi kulang daw sila tsaka pinilit lang ako ni Lorie nun. Sa volleyball naman, ang totoo nyan kasali ako sa team ng volleyball ng school namin simula nung second year pa ako. Marunong din akong magbadminton dahil sa P.E. at yung sa chess tinuruan lang ako ni Lorie. Sya yung nagchampion last year.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon