Ayen's POV
"Ano?! Kayo na ni Axel?!" gulat na tanong ni Dina sakin habang nagbebake kami ng cupcake.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"So ano papayagan mo ba ako."
Nagpapaalam kasi ako sa kanya na may date kami ni Axel at kailangan kong maghalfday. Ito kasi ang una naming date bilang magkasintahan.
"Dalawang linggo na pala kayong magkasintahan pero di mo manlang sinabi sakin. Kaya pala lagi ka nyang sinusundo dito. Akala ko nililigawan ka palang nya," sabi ni Dina sabay irap sakin.
"Pasensya ka na kung hindi ko agad nasabi sayo Dina. Ayaw lang kitang abalahin."
Nitong nakaraang mga araw kasi lagi syang preoccupied. Ayaw ko naman syang kulitin na sabihin sakin kung ano ang problema nya.
Ngumiti sya sakin at pinalo ako sa balikat.
"Hahaha! Biro lang naman Ayen. Masyado kang seryoso. Hahaha! Kahit di mo na sabihin sakin alam ko na no. Masyado kayong halata alam mo yun," biro ni Dina.
Nginitian ko sya.
"Mag-ayos ka na. Siguradong papunta na dito yang boyfriend mo," sabi nya sakin.
"Payag ka na?"
Tumango sya.
"Enjoy ka sa date nyo ah," tukso nya sakin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanya pumunta na ako sa office ko at nagbihis.
Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe galing kay Axel.
Axel:
I'm already here at the parking lot. Punta ako dyan?
Nagreply ako sa kanya.
Ako:
Wag na. Ako na lang ang pupunta dyan.
Axel:
Ok. I will wait for you.
I love you.Napangiti ako at nagreply sa kanya.
Ako:
I love you too. :)
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo tsaka umalis na ng opisina. Nagpaalam ulit ako kina Dina at lumabas na ng bakeshop.
Nakita ko agad si Axel na nakasandal sa kotse nya.
Kumaway sya sakin at ngumiti.
Nginitian at kinawayan ko din sya."Let's go," sabi ni Axel at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse nya.
Tumango ako sa kanya at pumasok sa loob.Mabilis syang umikot at pumasok sa kotse.
"Kumain muna tayo bago manood ng sine," si Axel habang nagmamaneho.
"Sige."
"Saan mo gustong kumain?" tanong nya.
"Kung saan ang gusto mo," nakangiti kong sagot.
"Okay, dun tayo sa--"
"Jollibee," natatawang dugtong ko.
Pagkatapos nyang ipark ang kotse nya sa parking lot ng mall, bumaba na kami at pumasok sa mall.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...