Chapter 17

105 11 0
                                    

Ayen's POV

Ano sa tingin nila ang ginagawa nila?At dito pa talaga sa hallway.
Nakakaloka.
Napasinghap ako ng isa-isang tanggalin ni Migz ang butones ng blouse ni Karen.
Nagulat ako ng may tumakip sa mata ko at marahan akong hinila.


"A-axel," ako.


"Anong ginagawa mo? bakit mo sila tinitingnan?" nakataas  kilay na tanong niya.


"Papunta kasi ako sa locker ko. Kukunin ko yung damit ko dun. Tapos..tapos  nakita ko sila na ano nag-aano..aahhm..yun," nahihiyang sagot ko.


Naglakad na ako. Sa bahay na lang ako magpapalit ng damit. Itetext ko na lang sila Lorie na mauuna na akong umuwi.

"Oh saan ka na pupunta?" tanong nya habang sinasabayan akong maglakad.

"Uuwi na lang ako. Sa bahay na lang ako magpapalit ng damit," sagot ko.

"Ganun ba. Sige hatid na lang kita sa labas ng school," si Axel.


Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Lorie. Nagtext na rin ako kay mama na magpapasundo na ako. Pagkatapos kong magtext linagay ko na ang cp sa bag na dala ko.


"Axel hindi ka ba nagagalit kina Karen at Migz sa ginawa nila?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Bakit naman ako magagalit sa kanila?" si Axel.


"Syempre sa ginawa nila kanina," ako.


"Hindi. Tsaka matagal ko nang alam na may gusto si Migz kay Karen," sabi ni Axel.


"Pero si Karen. Bakit nya hinalikan si Migz, diba ikaw ang mahal nya?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Ba't di mo sya tanungin," sagot ni Axel.

Ngek!
Para namang magagawa ko yun. Baka tarayan lang ako nun.


"Nakakahiya namang magtanong sa kanya. Hindi naman kami close eh," ako.

"Oo nga. Hahaha. Siguradong tatarayan ka lang nun," si Axel.

Tumango ako.

"Hindi kaya pinaglalaruan lang ni Karen si Migz," ako.

"Hindi ko alam. Hindi naman ganun si Karen. Teka nga si Migz ba ang crush mo?" si Axel sabay tingin sakin.


"Hindi no! bakit mo naman nasabi yan?" ako.


"Wala lang. Hula ko lang. Dapat lang na hindi ka magkagusto dun. Babaero yun," sabi ni Axel.


Napangiti na lang ako.

"Eh sino ba talaga ang gusto mo?" tanong nya.


Umiling lang ako habang ngumingiti.


"Congratulations pala sa laro nyo kanina. Champion na naman kayo," sabi ko sa kanya.


Nandito na kami sa labas ng gate.
Kumaway kami kay manong guard.

"Iniiba mo ang usapan ha. Salamat at congrats din sa inyo. Balita ko panalo rin kayo," tumango ako sa kanya.

"Oo. Thank you," ako sabay ngiti sa kanya.


Napapatingin samin ang mga estudyanteng dumadaan. Lalo na ang mga babae.


 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon