Chapter 39

156 1 0
                                    

Ayen's POV

Malungkot kami nila mama ng magpasko at bagong taon dahil ito ang unang beses na hindi namin kasama si papa at hindi na muling makakasama. Mabuti na lang andyan si Axel. Sa bahay siya nagnoche buena at pasko. Ang saya nga ng kapatid ko dahil nakatanggap siya ng regalo galing kay Axel at tabi rin silang natulog.

Inaya rin kami ni Axel sa kanila para sa pagsalubong ng bagong taon. Pinakilala niya si mama at si Ayan sa mga kamag-anak niya. Natuwa naman ako na makitang masaya sina mama at Ayan na nakikihalubilu sa kamag-anak ni Axel.

Pagkalipas ng isang buwan naisipan namin magkakaibigan na bumisita kay Karen. Nagdala ako ng cake para sa kanya.

Panay ang puri nila Dina sa bagong bahay nila Migz. Ang ganda at ang laki kasi.

Medyo tumaba ng konti si Karen. Dahil siguro sa pagbubuntis. Panay ang kain niya sa cake na dala namin.

"Thank you dito Ayen ah!" sabi ni Karen habang nagmemeryenda kami sa sala nila.

Ngumiti at tumango lang ako sa kanya. Nasa tabi niya ang asawa niya at nakangiting tinititigan siya.

"Excited na akong makita ang baby boy niyo! Kabuwanan mo na diba?" tanong ni Dina.

"Oo. Excited na nga rin kami ni Migz. Siguro ngayong week na ako manganganak," ani Karen at nginitian si Migz.

"Hindi ka ba nahihirapan sa pagbubuntis mo?" curious na tanong ni Dana.

"Medyo lang pero masaya naman. At saka nandito naman si Migz. Siya pa nga ang nahihirapan eh," sagot ni Karen.

Nagtawanan kami sa huling sinabi niya. Umiling lang si Migz habang natatawa rin.

"Aahh!"

Napatigil kami sa pagtawa ng biglang sumigaw si Karen habang hawak ang tiyan niya.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Migz.

Sumigaw uli si Karen kaya nataranta na kami. Napahawak ako sa braso ni Axel na kalmadong nakaupo sa tabi ko.

"Manganganak na ata ako! Ahh!" sigaw ni Karen.

"What?!"

"Oh my God!"

Napatayo na kaming lahat at di alam ang gagawin.

Binuhat ni Migz si Karen at lumabas ng bahay. Sumunod naman kami sa kanila.

"Migz sa kotse ko na lang kayo," kalmadong sabi ni Axel.

Siya lang ata samin ang hindi natataranta.
Tumango sa kanya si Migz.
Binuksan ni Axel ang pinto ng kotse niya at tinulungan si Migz sa pagpasok kay Karen sa backseat. Panay ang sigaw ni Karen dahil sa sakit.

Agad kaming pumasok ni Axel sa frontseat ng kotse niya at saka siya nagmaneho. Nakabuntot din ang kotse nila Joshua sa likod namin.

"Aahh! Hindi ko na kaya! Migz!" sigaw ni Karen.

"Karen malapit na tayo sa ospital. Relax ka lang," sabi ko sa kanya.

"Relax!? Are you kidding me?! Oh my!"

Napanguso ako.
Nagkamali ata ako ng sinabi.

"Pare wala na bang ibibilis yan!" sigaw ni Migz kay Axel.


 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon