Ayen's POV
Pagkatapos ng kanta, binitiwan nya ako at iniwan sa dancefloor.
Nakatingin lang ako sa likod nya habang naglalakad sya palayo sakin.Anong nangyari sa kanya?
Anong problema nya?
Hindi ko na sya nakita hanggang sa umuwi kami nila Lorie.
Tinanong nga nila ako kung ano ang nangyari kay Axel. Pero wala akong maisagot sa kanila dahil di ko rin alam.Malungkot akong nahiga saking kama.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga sinabi nya.Naalala ko ang sinabi nya.
"Ito na siguro ang huling beses na magkikita tayo...."
Anong ibig-sabihin nun?
Huling beses na magkikita kami?
Hindi kaya..
Ang ibig sabihin nya ba ay huling beses na magkikita kami sa taong ito?Yun ba?
Pero magkikita naman kami next year ah.
Pakiramdam ko may mali.
Bakit sya umiyak kung ganon?
Kinuha ko ang cellphone.
11:30 na.
Itext ko kaya sya?
Gising pa kaya sya?
Nagtype ako ng message para sa kanya.
Ako:
Good evening Axel! :)
Gising ka pa ba?Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply nya...pero walang dumating.
Bumuntong hininga ako.
Tulog na ata sya.Kinabukasan tinext ko rin sya.
Pero hindi parin sya nagrereply.Araw-araw ko syang binabati hanggang sa magbagong taon.
Hindi parin sya nagtetext sakin.
Hindi nya man lang ako binati nung pasko at bagong taon.
Sinubukan ko ring tawagan sya pero hindi nya rin sinasagot.Nag-aalala na ako.
Tinanong ko rin sina Joshua kong kasama nila si Axel pero hindi pa daw sila nagkikita pagkatapos ng birthday party ni Axel. Ang alam lang nila umalis si Axel kasama ang mga magulang nya. Hindi nila alam kong saan.
Saan kaya sya nagpunta.?
Hayyy...
Makikita ko naman siguro sya bukas sa school.
Excited na akong makita sya.
Marami akong itatanong sa kanya bukas.
---
Masaya akong pumasok sa eskwelahan kahit malapit na akong malate, pero agad din naglaho ang saya ko ng hindi ko nakita si Axel sa room namin. Wala sya sa upuan nya. Sila Joshua lang ang nakita ko. Agad akong pumunta sa upuan ko at umupo ng nakita ko si mam Bianca na pumasok sa room. Tatanongin ko na lang mamaya sina Joshua. Pumunta sa harapan namin si Mam at umupo sa mesa nya tsaka sya nag-attendance. Nagtaka ako ng hindi tinawag ni mam ang pangalan ni Axel.
Baka naman alam nyang absent sya.?"Alam kong nagtataka kayo kung bakit wala dito ngayon si Mr. Garcia,"sabi ni mam.
Nakatingin lang kami sa kanya.
"Hindi na sya papasok sa school natin," si mam.
Gulat akong nakatingin kay mam.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...