Ayen's POV
Agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Jayson nang naglakad si Axel patungo samin.
Takang lumingon si Jayson kay Axel. Samantalang matalim naman ang tingin sa kanya ni Axel. Lumipat ang tingin sakin ni Axel.
Napalunok ako at tumayo ngo nakalapit sya sa mesa namin."A-Axel. Akala ko b-ba malilate ka ng dating?" lumapit ako sa kanya.
"Oo. Maagang natapos ang meeting," nakataas kilay na sagot nya.
Tumingin sya kay Jayson na nakaupo parin at nagtataka sa presensya ni Axel.
"Ah sya nga pala Axel si Jayson, kaibigan ko. Jayson si Axel..." pakilala ko sa kanila.
Tumayo si Jayson at ngumiti kay Axel.
"I'm Jayson Bien Suarez. You're Axel James Garcia of GGC right?" iniangat ni Jayson ang kamay nya.
"Yeah.." si Axel.
Nagkamayan silang dalawa.
Tumango si Jayson."Nice meeting you," nakangiting sabi ni Jayson ng maghiwalay na ang kamay nila.
"Yeah.." si Axel sabay tingin sakin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi nya sinuklian. Napanguso na lang ako.
Liningon din ako ni Jayson.
"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Ayen," takang sabi ni Jayson.
Inakbayan ako ni Axel at maangas na tiningnan si Jayson.
"I'm her boyfriend," sabi ni Axel.
Nawala ang ngiti sa labi ni Jayson at agad napalitan ng pagkagulat.
Tumingin sya sakin.Nahihiya akong ngumiti sa kanya at tumango para kumpirmahin ang sinabi ni Axel.
"P-Paano? I mean..dalawang buwan lang akong nawala. Pagbalik ko may boyfriend ka na?" tanong ni Jayson sakin.
Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan ang kanyang reaksyon. Hindi ko kasi nakwento sa kanya si Axel. Alam nya rin na hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya siguro gulat na gulat sya.
Sasagutin ko na sana sya nang biglang magsalita si Axel.
"Why? Got a problem with that?" seryosong tanong ni Axel sa kanya.
Lumingon si Jayson kay Axel. Kung kanina nakakangiti pa sya kay Axel,
ngayon naman parang ang dilim na ng tingin nya rito.
Nagtitigan silang dalawa.
Nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan nila."Uhh..ano baka gusto nyo munang umupo," I interrupted.
Lumingon sakin si Jayson at ngumiti.
Naramdaman ko ang kamay ni Axel na bumaba mula sa balikat ko papunta sa bewang kaya nilingon ko sya. Nakatingin lang sya kay Jayson ng seryoso.
Narinig ko ang buntong hininga ni Jayson kaya lumingon ako ulit sa kanya."No need...hindi rin naman ako magtatagal," sabi ni Jayson.
"Hindi ka ba sasama samin?Pupunta kami ng bar," ako.
"Maybe next time. May kailangan lang akong puntahan," si Jayson.
Tiningnan nya kami ni Axel.
"Umm...congrats pala sa inyo. Mauna na ako pakisabi na lang kay Dina," paalam ni Jayson.
"Ah sige. Ingat ka at maraming salamat sa pasalubong mo," nakangiting sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...