Chapter 20

112 8 0
                                    

Ayen's POV

Lumipas ang mga araw at buwan, nagkaroon kami ng JS prom. Tulad ng dati pumunta ako pero hindi ako sumali sa mga sayawan kahit niyaya ako nina Joshua. Nanood at kumain lang ako nun. Naging magkaibigan nadin kami ni Karen. Masaya naman syang kasama kahit minsan mataray. Close na din sila nila Lorie. At lagi na namin syang nakakasabay kumain sa canteen tuwing lunch.

Nung graduation naman namin. Napuno ng iyakan. Halohalong emosyon ang naramdaman ko nun. Naging masaya ako dahil sa wakas nakagraduate din. Nalungkot dahil maghiwahiwalay na kami nila Lorie. Bagamat iisang University lang ang aming papasukan sa college, nakakalungkot padin kasi minsan na lang kami magkakasamasama.

HRM ang kinuha kong kurso. Ganun din si Dina. Kaya masaya padin ako dahil makakasama ko sya. Si Lorie naman, nursing ang kurso. Si Dana, accountancy. At si Karen, Business administration ang kinuhang kurso.

Sa mga boys naman, si Joshua ang kinuhang kurso ay Business Administration parehas sila ni Mark. Si Michael, criminology, gusto magpulis ng loko. At si Migz, Civil Engineering ang kursong kinuha, lupet.

Sa paglipas ng panahon, nasaksihan ko kung pano naging masaya, malungkot at masaktan ang mga kaibigan ko sa mga relasyon nila. Sina Joshua at Lorie, madalas mag-away dahil sa selos at kakulangan ng oras sa isa't isa. Muntik na nga silang magbreak nung third year kami dahil sa babaeng laging kasama ni Joshua. Minsan nga sinasamahan kong umiyak si Lorie eh. Ganun din sina Dana at Michael, away-bati rin. Buti na lang di sila nagbrebreak.
Pero sina Dina at Mark. Ang akala kong perpekto nilang relasyon ay nauwi sa hiwalayan. Masaya naman sila sa relasyon nila. Minsan lang silang mag-away. Naaayos din agad nila ang problema nila. Kaya nagulat kami ng isang araw naghiwalay sila sa hindi ko alam na dahilan.
Nalaman na lang namin na nagkabalikan na sina Mark at Yana. Iyak ng iyak nun si Dina.
Mula nun hindi na nila kinakausap ang isa't isa. Sa tuwing nagkakayayaan kami na mag-inuman, hindi sila nagpapansinan.
Ganun nga siguro. Kapag nagmahal, hindi maiiwasang masaktan.Mabuti pa si Karen. Going strong ang relationship nila ni Migz. Minsan lang silang mag-away at agad din naman silang nagbabati. Nakakainggit nga sila eh. Sa tuwing magkakasama kami, lagi silang sweet at hindi mapaghiwalay sa isa't isa. Masaya ako para kay Karen. Akala ko hindi sya makakamoved-on kay Axel. Buti na lang andyan lagi sa tabi nya si Migz. Bagay talaga sila sa isa't isa.

Sa mga lumipas na panahon, hindi sya nawala sa puso't isipan ko. Walang araw na hindi ko sya naiisip. Sa tuwing wala akong ginagawa at bago matulog, lagi ko syang naaalala.
Hindi ko ata sya makakalimutan kahit kailan. Ang maamo nyang mukha. Ang mga mata nyang nangungusap. Ang maganda nyang boses. Ang tawa nya at ang ngiti nya. Lahat ng yun ay namimiss ko. Gustong gusto ko na syang makita.

Kumusta na kaya sya?

Kumusta na kaya ang mommy nya?

Naiisip nya kaya ako?

Simula nung naggraduated ako ng high school, hindi na ako nagtanong kina Joshua kung may balita ba sila kay Axel o kung may kumunikasyon sila.
Hindi rin naman namin sya napag-uusapan sa tuwing magkakasama kami.

Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin sya bumabalik.

Babalik pa ba sya?

Baka naman maygirlfriend na sya dun. Hindi malabong mangyari yun.
Sa maraming taon na lumipas, sigurado akong nakamoved-on na sya kay Katlyn.
Sigurado akong maraming babae ang nagkakagusto dun sa kanya.

Haayyy....

Linagay ko na ang cake sa box.

"Ayen! ok na ba yan?" tanong ni Dina habang papalapit sakin.

"Oo okay na to," sagot ko habang tinatali ang box.

"Oh sige. Naghihintay na si Jayson. Balikan ko lang."

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon