Chapter 34

135 1 0
                                    

Ayen's POV

Nanghihina ang katawan ko habang papasok sa kwarto ko.  Si Lorie ang naghatid sakin sa apartment. Kahit panay ang kwento niya habang nasa biyahe, wala akong maintindihan. Hindi mawala sa isip ko ang halikan nina Axel at nung babae na kamukha daw ni Katlyn. Habang iniisip ko yun parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit.
Umupo ako sa kama at napayuko nang tumulo ang aking mga luha.
Ang sakit makita na may hinahalikan siyang iba.
Siguro nga totoo ang sinasabi niya. Hindi na niya ako mahal?
Ang bilis naman atang nawala ang pagmamahal niya sakin.
Baka naman hindi niya talaga ako minahal. Lalong sumakit ang puso ko sa naisip.
Pinalis ko ang luha ko at nahiga sa kama. Binaon ko ang mukha ko sa unan at doon nagpatuloy sa pag-iyak.

Kinabukasan paggising ko ang sakit ng mata ko at namamaga pa. Kahit walang gana, nagawa kong maligo at makapagluto ng agahan namin ni Ayan. Panay ang sulyap ni Ayan sakin habang kumakain kami pero wala siyang sinabi o tinanong. Mabuti na yun dahil di ko alam kung ano ang sasabihin o isasagot sa kanya.

Hinatid ako ni Ayan sa bakeshop bago siya pumasok sa eskwelahan. Ginawa kong busy ang sarili sa bakeshop. Maghapon akong nagbake ng cake. Hindi rin nagtanong sakin si Dina. Hinayaan niya lang ako na magbake maghapon. Hindi ko alam kung ilang cake ang nabake ko. Hindi ko rin alam kung ano ang lasa ng mga ginawa ko.

"Ayen?"

Lumingon ako kay Dina ng tinawag niya ako. Ngumiti siya sakin at lumapit. Tiningnan niya ang mga ginawa kong cake. Bumuntong hininga siya bago ako nilingon.

"Andyan pala si Jayson hinahanap ka."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Dina.

"Bakit daw?" tanong ko.

Nagkibit balikat si Dina.

"Hindi sinabi eh. Puntahan mo nalang," sagot niya.

"Ayusin ko muna ang mga kalat ko dito," sabi ko habang nag-aayos ng mga gamit.

"Ako na ang bahala dito. Sige na puntahan mo na siya," sabi ni Dina.

"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Dina at tumango sakin. Nagpasalamat ako sa kanya at hinubad ang suot kong uniporme.

Agad kong nakita si Jayson na nakaupo. Ngumiti siya sakin ng nakita ako na papalapit sa kanya. Ngumiti rin ako sa kanya. Umupo ako sa harap niya.
Binaba niya ang iniinom niyang kape.

"Kumusta na? Ang tagal mong hindi nadadalaw dito ah?" pabirong tanong ko sa kanya.

"Oo nga eh. Naging busy lang sa hotel," nakangiti siya habang nakatingin sakin.

"Ganun ba," nakangiti ko ring sabi.

Tumango siya at uminom uli ng kape niya.

"Ikaw kumusta ka?" tanong ni Jayson.

"Okay lang naman," nakangiti kong sagot.

Tiningnan niya ako ng seryoso bago siya bumuntong hininga.

"Ang totoo nyan nag-aalala ako sayo kaya ako pumunta dito," aniya.

Nawala ang ngiti ko at kunot noong tiningnan siya.

"Nakita kita kagabi doon sa bar..."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Sa labas ako ng shop tumingin.

"Hiwalay na kayo ni Axel," sabi niya.

Tumango ako ng hindi siya tinitingnan.

"Sorry about that.."

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon