Ayen's POV
Lumipas ang isang linggo. Naging maayos naman ang lahat. Nung biyernes lang nakumpleto ang contribution tapos binigay ko agad kay maam bianca baka kase mawala pa sakin. Malaking pera kasi yun. Lahat ng estudyante naging busy sa pagprapraktis ng kanikanilang sinalihang sport. Lalo na si Lorie, may praktis sya sa chess at cheerdance. Pero mas focus sya sa cheeer dance kasi magaling naman na daw sya sa chess. Yun yung sabi nya at MC rin daw sila ni joshua sa opening kaya palagi rin silang magkasama para magpraktis. Minsan nga nakita ko silang nag-uusap, namumula nga si Lorie eh. Naaasar siguro kay joshua. Hindi na rin kami sabay sa pag-uwe, nauuna ako sa kanya. Si Axel naman busy sa basketball at yung Mr. and Ms. Intramurals kung saan kasali sila ni Karen. Buti pa sila lagi silang magkasama. Hindi ko na rin masyadong tinitingnan si Axel kasi palagi akong tinitingnan ni Migz. Naiilang nga ako eh para akong binabantayan nya.
"Haay. Nakakapagod." Lorie habang kumakain kami sa Canteen.
"Buti ka pa best isang sport lang sinalihan mo." Lorie.
"Ikaw kaya ang nagsali sakin dun," ako.
"Oo nga. Psh. Eh kasi naman ang swerte mo naman kung wala kang sasalihan." Lorie.
"Oo na. haha," ako.
Napatingin ako sa table nila Axel. Nakita ko syang seryosong kumakain. Napangiti ako. Nandun din sa table nila sila Dina at Dana masayang nakikipagkwentuhan kina Mark at Michael. Napansin ko rin si Migz na nakatingin na naman sakin.
Ano na naman ang problema nito?
Tumingin sya kay Axel at sakin tapos tumaas na naman ang kilay.
Bigla ko nalang iniwas sa kanya ang paningin ko at kumain nalang.
"May praktis ba kayo ngayon ng volleyball?" Lorie.
"Wala daw. Bakit?" ako.
"Manood ka ng praktis namin ng cheerdance sa gym mamaya pagkatapos ng ating klase ha." Lorie
"Sige." ako.
Pagkatapos ng lunchbreak nagpunta na kami ni Lorie sa room. Hindi na rin masyadong natutulog si Axel pag may klase. Matapos syang sitahin ni Maam Bianca nung isang araw pero lagi naman syang tulalang nakatingin sa harap.
Pumasok na ang guro namin.Discuss.
Discuss.
Discuss.
Pagkatapos ng huling klase namin, sinamahan kong magpalit ng damit si Lorie tsaka kami pumunta sa gym.
Umupo lang ako sa isang bench at pinanuod sila. Si karen yung leader nila. Ang gagaling nila.Hinahagis rin sa ere sina Karen at Lorie. Kinakabahan nga ako dun eh. Sa kabila naman ng gym nandun sila Axel nagprapraktis ng basketball. Tinitingnan ko rin sya paminsan minsan.
"Okay! Break muna!" sigaw ni Karen.
Umupo naman si Lorie sa tabi ko at uminom ng tubig.
"Ang galing nyo naman best. Siguradong kayo ang mananalo," ako habang nakangiti sa kanya.
Ngumiti lang sya sakin.
"Lorie ayusin mo nga ang sayaw mo. Hindi ka nakakasabay sa iba. Galingan mo naman," si Karen habang nakatayo sa harap namin ni Lorie.
"Magaling namang sumayaw si Lorie ah. Tsaka sabay sabay naman kayo sumayaw," sagot ko sa kanya.
Tumingin sya sakin ng masama.
"Bulag ka ba? Sabagay magaling na yun para sa hindi marunong sumayaw katulad mo," mataray na sagot nya sakin at umalis na sya.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...