Ayen's POV
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha!?" sigaw ni papa sakin.
Nandito sila ni mama sa apartment namin. Nandun si mama sa kusina, nagluluto.
Nakaupo ako sa sofa habang nakayuko. Kagagaling ko lang mula sa bakeshop at si papa ang sumundo sakin.
Nakatayo si papa sa harap ko at masama ang tingin sakin."Papa," tawag ni Ayan habang nasa likod ng sofang inuupuan ko. Hindi siya pinansin ni papa.
"Dalawang gabi ka hindi umuwi dito sa apartment. Wag mong sabihin na dun ka natulog sa lalaking yun?"
Huminga ako ng malalim.
Buti na lang natext ko si Axel na huwag na lang akong subduin.
Ayaw kong magkita sila ni papa."Diba sinabi ko sayong hiwalayan mo na ang lalaking yun? Bakit hindi ka nakikinig sakin?!" galit na tanong ni papa.
"Papa mabait naman si kuya Axel," sabi ni Ayan.
"Papa bakit mo naman gustong paghiwalayin sina Axel at Ayen?" tanong ni mama na lumapit na samin.
"Iwan nyo muna kaming dalawa," mariin na sambit ni papa.
Walang nagawa sina mama at Ayan kundi ang umalis at iwan kami ni papa sa sala. Sandaling tumahimik si papa at huminga ng malalim.
"Sa ayaw at sa gusto mo, hihiwalayan mo siya," sabi ni papa.
"Bigyan niyo ako ng isang dahilan para gawin ang utos niyo," nakayuko kong sabi.
"Ayaw kong mapahamak ka," maliit na boses na sabi niya.
Lumunok ako para mawala ang bara sa lalamunan ko.
"H-Hindi naman totoo ang sinabi sakin ni Felix diba papa?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Hindi naman totoo na tauhan ka ng mga Santiago diba? Hindi mo magagawa ang sinabi niya. Hindi ka kasama sa mga kumidnap kina A-Axel diba? Hindi mo kayang gawin yun papa. Hindi yun totoo diba?" mahinang tanong ko upang hindi marinig nina mama.
Hindi sumagot si papa at nakatingin lang sa mukha ko.
Nanlabo ang paningin ko at umiling sa kanya."Papa.." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Ginawa ko yun para sa kapatid mo at sa pamilya natin.." aniya.
Tuluyang bumuhos ang luha ko at patuloy na umiling sa kanya.
Tumalikod si papa sakin."Huwag kang mag-alala aamin rin ako sa pamilya Garcia. Tutulong ako sa kanila. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko..Pero sa ngayon gusto kong makipaghiwalay ka kay Axel. Ayaw kong madamay ka o ang pamilya natin sa away ng dalawang pamilyang yun.." sabi ni papa
"M-Mahal ko si Axel," humihikbing sabi ko.
"Alam ko.." ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
Nang muli syang humarap sakin, namumula na ang mga mata niya.
Kumunot ang noo ko ng gulat siyang tumingin sa likod ko.
Lumingon ako sa likod ko.
Nakita ko sila mama at Ayan na nakatingin samin.
Umiiyak si mama habang galit na nakatingin kay papa. Samantalang gulat ang nakarehistro sa mukha ni Ayan.
Yumuko si papa ng lumapit sa kanya si mama."Bakit wala kang sinabi sakin ha?!Paano mo nagawa yun!?" umiiyak na sabi ni mama. Pinalo niya ang dibdib ni papa.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Narinig nila ang sinabi ko.
Inawat ni Ayan si Mama.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...