Chapter 11

125 10 0
                                    

Ayen's POV

Tahimik lang kami ni Axel na kumakain. Samantalang si Lorie at Joshua naman nag-uusap at ang sweet pa sa isa't isa. Parang sila na ah.

"Bat ang tahimik ata nyong dalawa dyan?" tanong ni Joshua samin.

"Malamang kumakain kami. Malapit na nga kaming matapos eh. Kayo nga hindi pa nangangalahati sa kinakain nyo dahil sa lampungan nyo," si Axel habang kumakain ng spaghetti nya.

Nanlaki naman ang mata ni Lorie.

"Grabe ka Axel ah! Lampungan talaga. Nagsusubuan lang naman kami ah." Lorie.

"Oo nga pare. Naiinggit ka ata eh. Kung gusto mo, magsubuan rin kayo ni Ayen. Hahaha," si Joshua.

Sinubuan nya si Lorie ng fries.

(0.0)

Kainis.
Nakakaawkward naman to.

"Bakit naman namin gagawin yon. Di naman kami. Sira." Axel.

"Teka kayo na ba?" tanong ko kina Joshua habang kumakain ng fries.

Kailangan change topic na.
Delikado.

"H-hindi pa," si Lorie.

"Eh bakit ang sweet nyo?" Axel.

"Eh bakit bawal ba? M.U. naman na kami ah." Joshua.

M.U.? Ano yun?

"Eh kailan naman magiging kayo?" tanong ko sabay ngisi kay Lorie. Tiningnan nya lang ako ng masama.

"Siyempre si Lorie lang ang may alam nun. Basta ako hihintayin ko sya hanggang sa ready na syang maging kami," si Joshua habang nakatingin kay Lorie. Namula naman si Lorie. Nangiti na lang ako. Bagay naman sila.

Bigla namam akong tumingin kay Axel. Nagulat ako ng nakatingin na pala sya sakin.
Teka kanina pa ba sya nakatingin sakin?
At bakit naman sya nakatingin sakin?
May gusto na rin ba sya sakin?

"B-bakit?" tanong ko.

Bakit ka nakatitig sakin ng ganyan?
Nagagandahan ka na ba sakin?

(.**) (~~.)

Linapit nya ang kamay nya sa mukha ko.

Teka ano gagawin nya?
.
.
.
.

Pinunasan nya ang gilid ng labi ko.

"May keychup sa gilid ng labi mo." Axel.

"Ah. S-salamat," ako.

(>.<)

Yun lang pala.
Akala ko naman...

Haaaay...

Pinagpatuloy na nya ang pagkain nya ng fries.

***

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Axel habang naglalakad kami. Nakasunod lang kami kina Lorie.

Lumingon samin si Joshua.

"Manonood tayo ng movie," si Joshua habang nakangiti.

"Lovestory panoorin natin." Lorie.

Lovestory?

"Teka ayoko ng lovestory.Pwedeng superhero na lang ang panoorin natin," ako.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon