Ayen's POV
Mamaya pang alas 3 ang kompetesyon pero nandito na kami ni Axel sa room, nagprapraktis. Nandito rin sila Joshua at yung ibang classmate namin, tumutulong din. Sila Dana at yung ibang classmate naming babae ang naghahanda ng mga susuutin namin ni Axel. Si Dina naman ang bahala sa make up ko.
Nung naglunch na, sa room na lang kami kumain. Nag-uusap lang kami habang kumakain. Minsan inaasar din ako ni Mark. Inaaway ko naman sya. Tinatawanan lang kami nila.
Pagkatapos namin kumain, nagpahinga lang kami saglit at pumunta na sa Auditorium kung saan magaganap ang contest. Pumunta kami sa backstage, marami narin ang nag-aayos. Pinagbihis ako ni Dina ng Gown na kulay gold pagkatapos pinaupo niya na ako para mamake-upan. Si Axel naman andun lang sa gilid naggigitara, nakabihis na din sya. Ang gwapo nga niya sa suit nya, gold yung necktie nya.
Habang minimake-upan ako ni Dina, si Lorie naman inaayos ang buhok ko.
Saktong mag-aalas tres ng matapos ako nilang ayusan."Wow ang ganda mo naman best!" Lorie.
Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Gumanda nga ako.
"Wow. Salamat Dina ang galing mo namang magmake-up," ako habang nakangiti sa kanya.
"Wala yun. Maganda ka naman talaga eh." Dina.
Ilang minuto lang tinawag na lahat ng contestants para maghanda. Tumayo naman ako. Medyo nasasanay naman na ako sa 4 inches na sandal ni Dina.
Lumapit naman samin si Axel."Tara na," si Axel sabay abot ng kamay ko.
Pumwesto na kami sa gilid ng stage. Isa isa ng tinawag ang bawat section, pangsampu kami.
Kinakabahan ako. Sunod na kami na magpapakilala.Nabigla ako ng hawakan ni Axel ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
"Wag kang kabahan, kasama mo naman ako eh," sabi nya sakin.
Pumunta na kami sa gitna ng stage. Hinawakan ko ang mic.
"Good afternoon everyone. My name is Axel James Garcia." Axel.
"And my name is Ayen Grace Fernandez," ako.
"Representing Fourth year section A," sabay kami ni Axel.
Nagpalakpakan at nagsigawan naman ang mga tao lalo na ang mga tagahanga ni Axel.
"Ngumiti naman kayong dalawa!Para kayong natatae hahahaha!!" Pesteng Mark na to.
Ngumiti na lang ako ng pilit.
"Go Ate!!" si Ayan.
Nginitian ko lang sya.
Pagkatapos nun nag-exit na kami.
Nag-model din kami ng school uniform namin at sportswear namin. Kay Axel yung basketball uniform at sakin naman ay ang uniform namin sa volleyball.
Ngayon naman ay talent portion na. Andito lang kami sa likod ng stage nag-aantay na tawagin kami. Nakawhite dress ako samantalang nakawhite t-shirt si Axel na pinatungan nya ng black jacket.Nung tinawag na kami, pumunta na kami sa stage. Inayos ni Axel ang gitara nya. Ako naman pumwesto sa tabi nya hawak ang isang mic.
Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao ng magsimula na ang tugtug.Now playing:
Nothings Gonna Change my Love for you"If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever,oh,so clearly
I might have been inlove before
But it never felt this strong" Si Axel ang unang kumanta. Nakatingin lang sya sa audience habang naggigitara. Ako naman nakatingin lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...