Chapter 2

245 11 0
                                    

Axel's POV

"Hoy! pare gising tulala ka na naman eh. Tapos na ang meeting. Tara na," sabi ni Mark habang tinatapik ako sa balikat.

"Ano ka ba pare hindi yan tulala, natutulog yan. Hahaha," si Michael.

"Oo nga. Kahit dilat yang mga mata nya, nakakatulog nyan," si Migz.

Nagtawanan nanaman sila. Mga gago talaga.

-.-

"Tama na yan. Tara na. May pupuntahan pa tayo," si Joshua. Ang taga awat samin.

Kami na lang pala ang natitira dito. Di ko napansin yun ah.
Ginising pa daw kasi ako nila kaya nahuli kami. Tumayo na kami.

"Mr. Angeles!"

Lumingon kami sa tumawag kay joshua. Si sir Topaz.

"Yes sir?" Joshua.

"Pinapapunta kayo ni Miss Angeles sa opisina ni Teacher Bianca nyo. May sasabihin daw sya sa inyo," sir.

"Ah ok sir." Joshua.

Tumalikod na kami. Pero....

"Teka lang!" sir.


Tumingin ulit kami sa kanya.

"Maiwan mo na kayo Mr.Garcia at kayong tatlo tutal kayo naman ang nahuli dito, kayo na lang ang magligpit ng mga upuan. Ipatong patong nyo at ilagay nyo sa gilid," sir.

"Kami sir?" Mark.

"Oo bakit may problema Mr. Bartolome?" sir.

"Wa-wala sir haha gusto nga namin eh.hehe." Halatang napipilitang sabi nya.

"Sige na Joshua mauna ka na baka naghihintay na sa inyo si Maam Bianca nyo." sir.

"Sige sir. Una na ko sa inyo. Galingan nyo." Joshua habang nakangisi samin.

Umalis na sya.

"Ayusin nyo yan dapat pagpunta ko dito bukas maayos na ha." sir sabay alis din.

Naiwan kaming apat.

(-_- ) (-.- )(>_<)( ~_~)

"Ano ba yan. Kasalanan mo to Axel eh. Tulog kasi ng tulog." Mark

"May sinasabi ka?" masamang tingin ko sa kanya.

"W-wala. Haha. Ano ka ba pare ang sabi ko umpisahan na natin ng matapos na." Mark.

Natakot sa tingin ko. haha

"Wala ka pala pare eh.haha." si Michael.

Inayos na namin ang mga plastik na upuan.

"Para mas madali tayong tatlo ang mag aayos ng mga puting upuan, si Axel naman sa mga itim." si Migz
Kahit kailan talaga, walang kwenta tong magsuggest. Lagi akong dehado.

"Sige," sang ayon ng dalawa.

"Bakit tatlo kayo isa lang ako?" tanong ko.

"Ano ka ba naman pare. Konti lang naman ang mga itim na upuan eh. Sige na." si Michael.

"Tsk. Ang duduga nyo." ako.

Tinawanan lang ako ng mga walang hiya.

Hinayaan ko na lang. At natapos na nga sila agad.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon