Chapter 25

113 14 0
                                    

Ayen's POV

"Ano na Ayen?" tanong ni Mark.

Nakatingin silang lahat sakin.
Sana magwalk out din si Axel katulad ni Dina.
Pero malabo atang mangyari yun. Ang seryoso ng mukha nya habang nakatingin din sakin.

Pinagpapawisan na ako.
Kainis naman oh.

Huminga ako ng malalim.

"Ahm..ano aah.." yumuko ako at pumikit.

Bahala na nga..

"O-Oo..." mahinang sagot ko.
Pero alam kong narinig nila dahil nagsigawan sila.
Feeling ko ang pulapula na ng mukha ko.

"Yun yun eh!"

"Ang honest talaga ni Ayen!"

Tinukso nila ako.
Hindi ako tumingin kay Axel.
Hindi ko kayang tingnan ang mukha nya.
Nahihiya ako.
Ano na lang ang iisipin nya.

"Iikot mo na yang bote Ayen," sabi sakin ni Joshua.

Kahit kinakabahan, nagawa kong iikot ang bote ng hindi nanginginig.

Pero sa kasamaang palad, tumapat na naman ito sakin.
Napanganga ako at nanlumo.

Tinawanan na naman nila ako.

"Hahaha! Ang swerte mo naman best!" biro ni Lorie sakin.

"Teka parang ang unfair naman ata. Pwede ko bang iikot uli yung bote?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pwede. Sayo na nakatapat eh," nakangising sagot ni Migz.

"Pero sino ang magtatanong?" tanong ni Joshua.

"Ako ang magtatanong," biglang sabi ni Axel.

Napalingon ako sa kanya.

Nakatingin sya sakin habang nakangisi.
Mas lalo ata akong kinabahan.

"Ayan na! Go pare!" natatawang sabi ni Michael.

"Lagot ka ngayon Ayen! Hahaha!" ani Karen na natatawa din.

Alam na ata nila ang nararamdaman ko.

Napanguso na lang ako at tumingin kay Axel na nakangiti pa rin.

"Truth or dare?" tanong nya.

"D-Dare." Ayoko nang magtruth baka kung ano na naman ang itanong nya.

"Uy! Ang tapang nagdare," si Mark.

Sinamaan ko sya ng tingin. Kasalanan nya to eh.

"Hhmm.." si Axel habang nakatango pa.
Tumingin na kaming lahat sa kanya.

"Gusto kong mag-usap tayo ngayon dito."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Tumingin sya kina Joshua.

"*cough*cough* Tara na Lorie. Kailangan na natin maligo para makapag pahinga. Malapit ng gumabi," aya ni Joshua kay Lorie.
Inalalayan nyang tumayo si Lorie tsaka sila naglakad.
Inaya na din ni Migz si Karen na pumunta na sa bahay nila. Ganun din si Mark. Tinapik muna nila si Axel sa balikat bago sila umalis.
Nakatingin lang ako sa kanila hanggang nawala sila sa paningin ko.

Bigla akong may naramdaman sa likod ko.
Pagkalingon ko nakita ko si Axel.
Tinanggal nya ang twalya na nasa balikat nya at nilagay sakin.

Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba.
Hinawakan ko ang twalya na binalot nya sakin at tumingin na lang sa dagat.
Naramdaman kong umupo sya sa likod ko. Nasa magkabilang gilid ko ang mga paa nya.
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Nilagay nya ang buhok ko sa kabilang balikat at pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon