Chapter 21

101 8 1
                                    

Ayen's POV

"Kumusta na pala yung bakeshop nyo?" tanong ni Karen samin.

"Okay naman," sagot ni Dina sabay inom ng alak.

"Balita namin marami lagi ang customers nyo ah?" si Dana.

"Medyo lang," si Dina.

"Mabuti yan. Sigurado kaming lalago ang business nyo," sabi ni Michael.

"Punta naman kayo dun. Matagal na kayong hindi bumibisita samin dun ah," sabi ni Dina.

"Pasensya na. Naging busy lang saming trabaho. Alam mo naman," si Lorie.

"Siguro sa susunod na linggo. Bibisita kami ni Lorie sa bakeshop nyo," sabi ni Joshua habang nakaakbay kay Lorie.

"Eh kayo kumusta naman ang mga buhay nyo? kumusta mga trabaho nyo?" tanong ni Dina sa kanila.


"Haayy naku nakakapagod," si Dana.

"Anong nakakapagod sa pagbilang ng pera sa bangko? mas nakakapagod  kaya yung trabaho ko, nanghuhuli ng kriminal. Hahaha!" si Michael.

"Mas nakakapagod kaya yung trabaho ko," sabi naman ni Mark.

"Anong nakakapagod sa trabaho mo eh maghapon ka lang naman nakaupo sa opisina mo," nakangising sabi ni Migz kay Mark.

"Uy nakakapagod kaya mag-isip at hindi lang ako nakaupo sa opisina ah. Marami akong ginagawa dun," sagot ni Mark.

"Ows talaga? lagi ko nga kayong nakikita ni Yana na magkasama eh," sabi ni Michael.

Ngumiti lang si Yana. Nakahawak ang isang kamay nya sa hita ni Mark.
Lumingon ako kay Dina. Nakayuko na sya ngayon habang umiinom.

"Natural nasa iisang building lang naman kami eh," si Mark.
Masama na ang tingin nya kay Michael.

"Tsaka wala naman masama kung magkasama kami parati. Boyfriend ko sya," sabi ni Yana.

Tumango naman sila.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Ganun din si Dina. Para syang nawalan ng gana.

"Bakit pala hindi nyo kasama si Jayson?" tanong ni Lorie.

"May inaasikaso ata sa hotel nila," sagot ko.

"Sabi ni Dina madalas daw syang pumunta sa bakeshop nyo?" tanong naman ni Joshua.

"Oo. Bumibisita samin ni Dina," sagot ko sabay inom ng alak.


"Yang Jayson na yan, nanliligaw na ba sayo?" tanong ni Karen sakin.

"Hindi sya nanliligaw sakin no," sagot ko.

"Weh talaga?" si Dana habang nakangisi.

"Hindi. Ano ba kayo. Lagi nyo na lang yan tinatanong sakin ah," sabi ko sa kanila.

"Eh halata kasi sya masyado," sabi ni Michael.

"Oo nga unang kita palang namin sa kanya nahalata na namin," sabi naman ni Mark.

"Na ano?" tanong ko.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon