Chapter 38

129 2 0
                                    

Ayen's POV

"Kumusta ka na?" unang tanong niya sakin pagkatapos kong ilapag ang kape at cupcake niya sa lamesa.

Umupo ako sa harap niya at napabuntong hininga.

"Okay lang," ngumiti ako sa kanya.

"I'm sorry sa nangyari sa papa mo."

Tumango lang ako sa kanya.

"Sorry din kasi hindi kita masyadong nakausap sa mga oras na yun," sabi ko sa kanya.

Pumunta siya sa lamay at libing ni papa pero hindi ko siya nakausap ng mabuti.

"Naiintindihan ko. At saka nandyan naman parati si Axel sa tabi mo. Hindi ka pinabayaan," napabuntong hininga siya.

"Hhmm.."

Sandali kaming natahimik.
Tiningnan ko siya habang umiinom siya ng kape. Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Jayson.." lumingon siya sakin at binaba ang kape niya.

"Maraming salamat sa pagiging mabuting kaibigan. Masaya ako dahil nakilala kita," sinsero kong sabi.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo.."

Umiwas siya ng tingin sakin at napabuntong hininga.

"Nagkabalikan na kayo ni Axel." Hindi yun tanong kaya hindi ako nagsalita.

Lumingon siya sakin at malungkot na ngumiti.

"Mahal mo talaga siya. Minsan naiinggit ako sa kanya dahil may nagmamahal sa kanya ng tulad mo. Maganda, mabait at napakaloyal."

Natawa ako sa sinabi niya kaya napangiti siya.

"Bolero ka talaga," nakangiti kong sabi.

"Totoo yun," aniya tapos bumuntong hininga.

"Salamat," nangingiti kong sabi.

"Masaya ako para sa inyong dalawa ni Axel. Kuntento na akong makita kang masaya. Sapat na yun sakin. Pero kung sakaling saktan ka uli ni Axel, huwag kang magdalawang isip na sabihin sakin. Susuntukin ko siya sa mukha para sayo."

Natawa ako sa huling sinabi niya.

"Hindi mangyayari yun."

Sabay kaming lumingon sa nagsalita.

"Axel!" maligayang tawag ko sa kanya.

Nakangiting lumapit samin si Axel. Tumayo siya sa tabi ko at inakbayan ako sa balikat. Nagkatinginan sila ni Jayson.

"Dahil hindi ko na siya sasaktan uli," sabi ni Axel.

"Siguraduhin mo lang dahil kung sakaling malaman ko na pinaiyak mo na naman siya, babalik ako dito sa pilipinas para kunin siya sayo," ngumisi si Jayson kay Axel.

"Kung kaya mo," mayabang na sabi ni Axel.

Hinawakan ko ang kamay ni Axel na nakapatong sa balikat ko at kunot noong tumingin kay Jayson.

"Bakit Jayson? Saan ka pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at nginitian.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon