Final Chapter

203 1 0
                                    

Ayen's POV

Pagkatapos ng tatlong araw, nakalabas na ng ospital si Axel. Medyo hindi pa nga magaling ang sugat niya pero nagpumilit na siyang umuwi dahil naiinip daw siya sa ospital kaya pinayagan ko na lang.

Isang linggo matapos ang nangyari, balik na sa dati ang lahat. Nung isang araw isinama ako ni Axel sa presinto kung saan nakakulong si Felix. Nagulat pa nga ako na makita si Angelo dun kasama ang isang babae. Sabi ni Axel kapatid yun ni Felix na mas lalong nagpagulat sakin. Hindi ko alam na may kapatid pala siya.

Kitang kita parin ang galit sa mga mata ni Felix pero tanggap na niyang makukulong siya. May nakita rin akong konting pagsisisi sa mga mata niya kaya kahit papano sapat na yun sakin. Pero mas nagpagaan sakin ang paghingi ng tawad ng kapatid niya. Kahit wala siyang kinalaman sa lahat ng nangyari, humingi pa rin siya ng tawad samin ni Axel.

Napakainosente ng mukha niya at napakaganda. Nginitian ko siya at sinabing wala siyang kasalanan. Pero si Axel hindi siya pinansin bagkus ay nagtitigan sila ng pinsan niya na parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.


Nauna kaming umalis sa kanila para magpacheck-up sa kilalang doktor ni Axel. Hinayaan ko na lang siya na makipag-usap sa doktor tungkol sa pagbubuntis ko.

Lumipas pa ang mga araw. Minsan na lang akong nasusuka pero madalas naman akong antukin lalo na kapag nasa trabaho.

Lagi akong hinahatid sundo ni Axel sa trabaho. Pinagbibigyan niya din ako sa lahat ng gusto kong kainin o paglihian maliban sa mga pinagbabawal ng doktor.
Madalas na nga siyang makatulog sa kwarto ko dahil sa pagtawag ko sa kanya sa kalagitnaan ng gabi para lang magpabili ng kung ano kahit alam kong pagod siya at galing pa sa trabaho.

Hinawakan ko ang tiyan kong hindi pa naman malaki habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Nitong mga nakaraang araw madalas rin akong tamarin. Hindi na ako masyadong nakakapasok sa bakeshop at kung pumasok man ako wala akong magawa kundi kumain lang ng mga cake at kung ano pa.

Napabuntong hininga ako. Ganito nga siguro kapag buntis o di kaya ako lang siguro ang ganito?

Napangiti ako at nagdesisyon nang bumangon. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili lumabas na ako ng kwarto.

Naabutan kong nag-uusap sila mama at Axel kasama na rin si Ayan habang kumakain sa lamesa. Napataas ang isang kilay ko ng tumahimik sila nang makita ako.

Ganyan sila parati kapag nasa malapit ako. Tumatahimik o di kaya'y nag-iiba ng pinag-uusapan. Parang may pinag-uusapan silang hindi ko pwedeng malaman.

Umirap ako kay Axel habang paupo sa tabi niya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit lagi kung sinusungitan si Axel. Madalas ko rin siyang alilain.

Ngumiti lang siya sa ginawa ko at hinalikan ako sa pisngi. Napanguso ako habang tumitingin sa mga pagkain.

"Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita?" tanong ni Axel habang hinahaplos ang hita ko.

Agad nag-init ang pisngi ko at tumingin sa kanya.

"G-Gusto ko ng hilaw na mangga na lalagyan din ketchup," sagot ko habang naglalaway sa naiisip.

Tumango si Axel at hindi na nagulat sa nirequest ko. Pero si mama ang sama na naman ng tingin sakin.

"We will buy later but for now pwede bang ito na lang muna ang kainin mo," aniya habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko. Binigyan niya din ako ng gatas.

"Pero yun ang gusto kong breakfast.." malungkot na sabi ko.

"Bibili tayo mamaya kaya yan na lang muna kainin mo kundi hindi kita isasama sa opisina," may banta na sa boses niya.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon