Chapter 26

132 5 0
                                    

Ayen's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mata. Una kong nakita ang mukha ni Axel na nakatingin sakin habang nakangiti.
Napakurap ako. Nakayakap na pala ako sa kanya.

"Good morning.." napapaos na bati nya sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Bumitaw ako sa kanya at napaupo sa kama.

Tiningnan ko ang suot kong damit.
Halatang wala akong suot na bra.

Kailangan ko ng pumunta sa kwarto namin ni Dina para makaligo at makapagpalit ng suot.

Napatili ako ng bigla nya akong hinila pahiga ng subukan kong bumangon tsaka nya ako niyakap sa bewang.

"Saan ka pupunta?" tanong nya tsaka nya nilagay sa leeg ko ang mukha nya.

"Ahm..sa ano..sa kwarto namin ni Dina. Kailangan ko ng maligo at magpalit ng damit," sagot ko

Nakikiliti ako sa hininga nya.

"Bakit..?" tanong nya.
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang labi nya sa leeg ko.
Hinahalikan nya ang leeg ko!

"Gusto ko lang..tsaka aalis na tayo mamaya diba?" kinagat ko ang labi ko.

Hindi sya sumagot at pinagpatuloy lang ang paghalik sa leeg ko.

"A-Axel...hoy Axel.." tawag ko sa kanya.

Napapikit ako ng tumaas ang halik nya papunta sa panga at labi ko.

Pumaibabaw sya sakin. Napahawak ako sa balikat nya habang hinahalikan sya pabalik.

Napamulat ako ng bumitaw sya sa halikan namin. Tiningnan nya ako sa mata.

"Dito ka na lang maligo. Ako na lang ang kukuha ng gamit mo," sabi nya sabay halik sa ilong ko.

Umalis na sya sa ibabaw ko at naglakad papunta sa pintuan.
Umupo ako ng umalis na sya sa kwarto at napahawak sa leeg ko.

Ilang sandali lang pumasok na sya sa kwarto. Nilagay nya ang backpack ko sa sofa.

Umalis ako sa kama at lumapit sa kanya. Umupo ako sa sofa at binuksan ang bag ko. Umupo rin sya sa tabi ko.

"Nauna na palang umalis si Dina," napatigil ako sa pagkalkal ng bag ko ng magsalita si Axel.
Napalingon ako sa kanya.

"Bakit daw?" tanong ko habang nakakunot noo.

Nagkibit lang sya ng balikat.

"Sinabi lang sakin ni Mark," si Axel.

Bakit naman nya ako iniwan.

"Anong oras tayo uuwi?" biglang tanong nya.

"Ikaw?" balik tanong ko sa kanya

"Pwede bang mamayang pagkatapos natin mag-almusal?" si Axel.

"Sige. Maliligo na ako."

Tumayo na ako dala ang isusuot ko at ang twalya ni Axel dahil wala pala akong dalang towel.

Tumango lang sya sakin.

Pagkasarado ko ng pintuan ng bathroom, sinabit ko ang twalya at naghubad. Nilagay ko ang damit ni Axel sa isang plastik pati na rin ang suot ko kagabe.
Lalabhan ko na lang to sa bahay.
.
.
.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon