Chapter 31

126 1 0
                                    

Warning: R18

Ayen's POV

Nakayuko lang ako sa tuhod ko habang umiiyak.
Natatakot ako kay Axel pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil dumating sya.
Napatigil ako sa paghikbi ng yakapin ako ni Axel ng mahigpit.

"I'm sorry..nag-aalala lang kasi ako sayo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko," sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko. Mabibigat ang paghinga nya tila kinakalma ang sarili.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako sa mukha.
He wiped my tears then kissed my forehead.

Hinubad nya ang suot nyang jacket at sinuot sakin. Tiningnan ko ang mukha nya habang inaayos ang jacket sakin.
Kita ko sa mukha nya ang pagod at pag-aalala. Hindi ko maiwasang maguilty. Dagdag pa ako sa mga problema nya.
Tumalikod sya sakin.


"Sumakay ka sa likod ko," aniya.

Dahan dahan akong sumakay sa likod nya. Yumakap ako at siniksik ang mukha sa batok nya.
Tumayo sya at lumingon kay Angelo.

"Ikaw na ang bahala dito," sabi ni Axel.


"No problem.." sagot ni Angelo.

Nagsimula nang maglakad si Axel. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na nandito ako. Natatakot rin ako na magtanong sya sakin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung sakaling magtanong nga siya.

"Axel...Saan tayo pupunta?" mahinang tanong ko.

Huminga sya ng malalim bago sinagot ang tanong ko.

"Sa kotse ko. Nandun sa parking lot ng bar," sagot nya.
Medyo malayo pala ang nilakad ko kanina.

"I'm sorry," bulong ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita kaya siniksik ko pa ang mukha ko sa batok niya dahil sa nagbabantang luha sa mga mata ko. Ramdam ko parin ang galit niya at naiintindihan ko siya. Sakaling man totoo ang sinabi sakin ni Felix, maiintindihan ko rin si Axel kung kamumuhian niya ang papa ko o pati na rin ako.

Walang imik nya akong ipinasok sa kotse niya at kinabitan ng seatbelt. Tahimik rin siya habang nagmamaneho. Ang seryoso ng mukha niya at nakatingin lang sa harap ng kalsada. Para din syang may malalim na iniisip.

Hindi na ako nagsalita ng dinala niya ako sa condo niya. Marahan at tahimik akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami papunta sa condo niya hanggang sa nakapasok kami sa condo niya tahimik parin kami.Umupo ako sa sofa ng pumasok siya sa kwarto niya. Pagkalabas niya hinigit niya ako papunta sa kwarto niya. Dumiretso kami sa bathroom ng kwarto. Marahan niyang binitiwan ang kamay ko at tumingin sakin.

"Hubarin mo na yang jacket," utos niya.

Kahit kinakabahan sinunod ko ang utos niya. Dahan dahan kong hinubad ang jacket at binigay sa kanya. Tinanggap niya to at nagtagis ang bagang niya ng makita kung gaano kasira ang damit na suot ko tsaka siya nag-iwas ng tingin sakin.

"Maligo ka na," sabi niya tsaka umalis at sinarado ang pinto.a
Bumuntong hininga ako at tiningnan ang kabuuan ng bathroom.

Hinubad ko ang suot ko at tiningnan ang sarili sa salamin. May sugat ang pang-ibabang labi ko. Namumula rin ang mga braso ko at may kaunting mga gasgas pa. Bukod dun wala naman na. Nagsimula na akong magshower habang iniisip si Axel at kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Pagkatapos kong maligo, binalot ko ang sarili sa puting twalya at lumabas na ng bathroom.
Nakita ko sa kama ang isang puting damit,pink na short at pink din na panty at bra.
Saan kaya sya kumuha nito?
Nagpabili kaya sya nito sa sekretarya niya?
Pagkatapos kong magbihis, umupo ako sa kama at sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon