This novel is entirely a work of fiction. The names, characters and incidents portrayed in it are the work of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or localities is entirely coincidental._____________________
Note: Sorry for the grammatical errors and typos. Hoping for your kind and consideration.
***********
Ayen's POV
"Good morning manong guard," bati ko sa guard ng school namin.
"Oh ang aga mo ata ngayon iha?" tanong ni manong guard.
"First day of school eh,hihi sige manong pasok na ako."
Pumasok na ako sa gate. Naglakad na ako papunta sa building ng mga fourth year. Tatlo ang section ng mga fourth year, kaya kailangan ko tingnan ang bawat pinto ng room kase don may nakadikit na papel na may mga pangalan ng estudyante.
Una kong tiningnan ang room ng section C. Pagpunta ko run marami ng estudyante sa loob ng room. Karamihan sa kanila mga lalaki, konti pa lang ang mga babae. Nag excuse ako sa mga estudyante na tumitingin rin sa papel na nakadikit sa pinto ng room. Hinanap ko ang pangalan ko. Makalipas ang ilang minuto umatras na ako wala dun ang pangalan ko. Haay salamat. Ayaw ko talaga sa section C kase mga nakakatakot ang mga estudyante dito at mga bully. Nung first year ako section C ako at araw araw ako nabubully non.
Pumunta na ako sa sunod na room sa section B. Marami rin ang estudyanteng tumitingin sa pinto ng room, ang iba nandun na sa loob ng room. Karamihan sa kanila mga naging classmate ko na. Nung konti nalang yung tumitingin lumapit na ako at tumingin na rin.
"Ayen!"
Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Lorie, ang bestfriend ko. Classmate ko sya simula pa nung second year high school. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya.
"Medyo." Lorie
"So alam mo na kung ano ang section mo?" ako
"Oo. Section A ako." Lorie
"Wow astig. Ang swerte mo naman best." Ako
Swerte talaga ng bestfriend ko. Gusto ko rin dun. Kaso malabo atang mangyare yun kase simula nung second year ako section B na talaga ako.Isa pa matatalino ang mga estudyante ng section A kaya hindi nakakapagtaka na napunta si Lorie dun sya kase yung top 1 sa section B simula pa nung second year kami.
"Ano ka ba best. Hindi no. Lahat ng estudyante ng section A ay matatalino at mahilig makipagkumpetensya.Tsaka mayayabang at ang pangit ng mga ugali nila." Lorie
"Ano ka ba best hindi naman lahat sila ganun," sagot ko sa kanya.
"Sabagay may tama ka hehe.Tsaka andyan ka naman eh." Lorie
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Section A ka din best hihi. Tiningnan ko kanina kaya nga hinintay kita eh." Sagot nya sakin.
"Talaga di nga?" di makapaniwalang tanong ko.
"Ano ka ba naman best. Wag ka ng magtaka matalino ka rin naman eh. Ano tara na? Pasok na tayo sa room." Lorie
"T-teka kinakabahan ako best," pag amin ko.
"Wag kang mag-alala kasama mo naman ako eh. Tara na." Si Lorie.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...