Ayen's POV
"Ate andito na si ate Lorie!" sigaw ng kapatid.
"Oo pababa na!" ako.
Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin tsaka kinuha ang aking sling bag.
Pagkababa ko nakita ko si Lorie na nakaupo sa sofa kasama si Ayan."Wow! sabi ko na nga ba bagay sayo yang dress eh!" sabi ni Lorie sakin.
"Oo nga ate. Ang ganda mo," yung kapatid ko.
"Thanks," nakangiti kong sabi kay Ayan.
"Salamat din sayo best sa pagpili nito," sabi ko kay Lorie.
Bumili kasi kami ni Lorie sa Mall ng aming susuotin pati narin yung ireregalo kay Axel.
"Bagay din sayo yang suot mo.Lalo kang gumanda," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Thanks. So tara na?" si Lorie.
"Sige," ako.
"Pakisabi na lang kay kuya Axel na happy birthday," si Ayan.
Tumango lang ako sa kanya.
"Alam mo ba kung saan ang bahay nila Axel?" tanong ko kay Lorie habang nasa biyahe kami. Nakasakay kami sa sasakyan nila.
"Oo. Tinext sakin ni Joshua yung address," sagot ni Lorie habang nagtetext.
Tumango ako.
"Andun na daw sila kanina pa," sabi ni Lorie.
"Sila Joshua?" ako.
"Oo. Marami na daw tao," sabi ni Lorie habang nakatingin sa cellphone nya.
"Ganun ba," ako.
Pagkalipas ng ilang minuto, huminto na ang sasakyan. Nagpaalam lang kami kay manong. Babalik na lang daw sya mamaya.
Pagkalabas namin, nakita namin si Joshua na nakatayo malapit sa gate ng isang bahay."Kanina ka pa dyan?" tanong ni Lorie kay Joshua pagkalapit namin.
"Hindi naman. Ang ganda nyo ah," si Joshua.
Nagpasalamat lang kami sa kanya.
"Tara na," si Joshua.
Nakasunod lang ako sa kanila habang papasok kami.
Napanganga ako ng makita ang bahay. Ang ganda. Mas maganda ata to sa bahay nila Lorie.
Marami na ngang tao. Ang lawak ng garden nila. May fountain din sila.Pumunta kami sa isang mesa kung saan nakaupo sila Dina.
"Ang tagal nyo naman. Kanina pa kami dito," sabi ni Dina.
"Pasensya na," ako habang papaupo.
"Oh asan na yung birthday boy?" tanong ni Lorie.
"Andun kasama magulang nya. May kausap sila," sagot ni Michael.
"Ang sabihin mo, may ipapakilala na naman sa kanya. Hahaha!" sabi ni Mark.
"Oo nga. Siguradong bored na yun ngayon. Haha," sabi naman ni Joshua.
"Nasaan na yung regalo nyo? ilagay nyo na dun," si Dana habang nakaturo sa isang mesa na puno ng mga regalo.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...